HURT.
Days, weeks and months passed without Justin showing up to me after my minor confrontation with him. Sa totoo lang ay sobrang nami-miss ko na sya but I have to stand up and resist my urge to kneel before him dahil kung hindi ko gagawin ito ay mas lalong bababa ang moral value ko in front of him which i don't want to happen.
Ayaw ko na palagi syang nakakalamang sa akin.
Nag-focus ako sa blogging na kahit paano ay umaabot na rin ang views ng 1,000 at ang dating 45 subscribers palang noon, ngayon ay 200 na. Ang saya ko na para doon at iniisip ko na kaagad kung ano ang nga bibilhin ko once na sumahod na ako.
Nakaka excite to be honest dahil feeling ko ay magiging sikat na blogger na talaga ako at makikipag-collab sa iba pang mga sikat. Ang ganitong pakiramdam ay matagal ko ng inaasam.
Wala si Rina ngayon at nag day off. Palagi nya ako sinisisi kung bakit hindi na nagpapakita si Justin dahil inaway ko raw kaya hindi nya ako pinapansin at panay ang pasaring sa akin.
Bakit hindi nya puntahan sa hacienda Valderama para makita nya kung talagang gusto nya at hindi iyong panay sisi sa akin na para bang sa tuwing ginagawa nya iyon ay lumilitaw si kupal sa harap nya.
May social media naman pero wala nga lang update post, kahit na ako ay nag-aabang rin pero wala, e, olats.
May saging akong nakita doon sa taniman kaya kinuha ko iyon at ginawang banana chips, sobrang iniisip ko kase ang banana chips na andon kay Justin. Kumusta na kaya ang mga iyon? Pero sigurado ako na kinain na nya dahil parang 5 months na yata iyon at masisira kung hindi nya kakainin.
Andito ako sa duyan habang ngumunguya ng banana chips ng makita ko ang pagdating ni Rina. Inirapan nya kaagad ako pero lumaki ang kanyang mga mata na nakatitig sa aking banana chips na parang na-shock sya kaya pati tuloy ako ay confused rin napatingin sa aking banana chips ng mawari na wala naman special at saging pa rin naman.
Bigla syang lumapit sa akin at hinablot ang buhok ko pero umilag ako kaya ang leeg ko ang nadaplisan ng kanyang mahabang kuko na bago pang manicure. May design pa ang mga ito na cartoon characters. Nakaramdam ako ng hapdi doon at naabot nya rin ang buhok ko kaya nasabunutan na ako.
"Pakialamira ka, Naya! Hindi ko nga kinakain ang mga iyan dahil bigay iyan sa akin ni Justin pero kinain mo pa rin!" sigaw nya habang umiiyak at halos kalbuhin na nya ako.
Nasasaktan ako dahil mahigpit talaga ang pagkakasabunot nya.
"Rina bitawan mo ako, nasasaktan ako!" awat ko sa kanya kaya nabitawan ko na ang mangkok na may lamang banana chips dahilan na natapon ang mga iyon sa lupa para pigilan sana ang mga kamay nya.
"Bigay lang iyan sa akin ni Justin pero kinain mo na walang pahintulot ko!" umiiyak na bulyaw nya.
Napaluhod na rin ako sa lupa dahil matangkad si Rina sa akin at malaki ang katawan nya kumpara sa katawan ko kaya kung pisikalan lang ay wala talaga akong laban.
"Pagkatapos mong awayin si Justin ay pati ang banana chips na bigay nya sa akin ay kukunin mo pa rin! Napakasama ng ugali mo Naya at insecure ka!" humagolhol talaga sya.
"Anong nangyayari dito!?"
Bigla kaming natigilan parehas ni Rina dahil sa biglaang pagsulpot ni mama.
"Si Naya po kase ay naiinggit sa akin dahil sa banana chips na bigay pa noon ni Justin kaya kinuha nya at itinapon sa lupa" at umiyak pa sya lalo.
Naningkit ang mga mata sa akin ni mama dahil sa hindi makatotohanan na sumbong sa kanya ni Rina, pero syempre ay hindi ako magpapatalo, ano sya hello?
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomansaWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...