RUINED.
Dumating kami sa bahay ni Mickey pero wala sya. Tatawagan ko na sana sya para sabihin na andito kami pero pinigilan ako ni Justin.
"It is not ethical for us to come here without informing him first, Naya, tapos tatawagan mo sya para lang sabihin sa kanya na andito ka?"
Sa kabilang banda ay tama sya, impulsive nga ang pagparito ko at sumama pa talaga sya sa akin. Kahit halos na sigawan ko na sya kanina na huwag ng sumama ay hindi sya nagpaawat.
Gusto ko naman na makasama sya ngayon at parang excuse ko nalang ang tatawagan si Mousey para hindi naman nakakahiya.
"Pero saan na tayo pupunta ngayon?" binalingan ko sya.
Ang mga mata nya ay nasa pinto ni Justin na rainbow colors.
"Ang weird ng pinto nya noh?" natatawang sabi ko pa.
Hindi sya sumagot.
"Let's go...." aniya.
"Saan tayo pupunta? Ayaw ko pa umuwi Jah" sabi ko at baka ayain na nya ako na umuwi.
"Did you inform your mom that you are leaving?" tanong nya.
Tumango ako. "Uh-um...pero hindi ko sinabi na kasama kita, alam mo naman na ayaw 'yon sayo"
Tumaas ang dulo ng mga labi nya at hindi na sya umimik at tumalikod nalang.
Nasaktan ba sya sa sinabi ko na hindi sya gusto ni mama? Hindi naman lingid sa kaalaman nya 'yon. Tumakbo ako ng bahagya para maabutan sya.
"Masama ba ang loob mo dahil hindi ka gusto ni mama?" tansyadong tanong ko habang naglalakad kami palabas ng area nila Mickey.
"Hindi naman pero nagtataka ako kung bakit hindi ako gusto ng mama mo?"
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. "Sinusumbong kase kita noon sa kanya pag-inaaway mo ako" pag amin ko sa maliit na boses.
"Sorry..." dugtong ko pa.
Natahimik sya. Pero bakit ako ang nagsosorry ngayon? Wala naman akong kasalanan sa kanya. Maldita lang naman ako dahil lumalaban ako sa kanya noon dahil ayaw ko talaga magpatalo.
"It's ok Naya" tipid na sabi nya.
"Bakit pala inaaway mo ako 'lagi no'n Jah?" lakas loob na tanong ko.
Sinulyapan nya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may madaanan kami na nagtintinda ng mga meryenda.
"Jah, nagugutom ako" walang hiya-hiya na sabi ko.
Tiningnan nya rin ang mga paninda na tinitingnan ko. "Gusto ma ba ang mga iyon?"
Mabilis akong tumango. Sa mga nangyari sa amin sa daan, lalo na sa snake ay nakakapagpagutom iyon sa akin.
Merong nagtitinda ng mga pritong manok. Bumili si Justin ng isang buong butterfly fried chicken at dalawang kanin. Nakakatuwa dahil nakatayo kaming kumakain dito sa gilid ng kalsada habang may mga plastic gloves kami.
"Why are you smiling Naya?" puna nya sa akin habang sumusubo.
"Wala. Hindi ko kase aakalain na kakain ka sa ganitong klaseng kainan"
Mahinang sabi ko at baka marinig ni manong tindero. Kami palang ang unang customers nya. Alas-dose palang kase ng hapon.
Tumingin sya sa paligid na nakakunot ang noo. "Why? Sa tingin mo ba ay hindi ako kumakain sa ganito?"
Nahihiya akong tumango sa kanya.
He smirked lang. "Sanay ako sa ganito Naya at lalo na kapag may mga medical mission kami tapos napupunta kami sa mga isolated places na wala talagang mga restuarants kaya sa mga ganitong bagay ay hindi big deal sa akin"
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomanceWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...