CHAPTER 17

9 1 0
                                    

WILD.

What exactly is happiness? Why is it difficult to identify? But neither. Because when you smile, that's called happiness. Is there a criteria or certain point for you to say that you are happy?

I don't know.

Because Justin Jose Julio Valderama said he is not happy. Why did he say this? Kase kung ako ang tatanungin kung ano ang happiness ay mabilis ko ma-identify na pera ang makakapagpasaya sa akin.

Bigyan mo ako ng maraming pera at kahit hindi na kami magkakatuluyan ni Mickey ay ayos lang, basta marami akong pera.

Marami no'n si Justin pero hindi pa rin pala sya masaya kaya naguguluhan ako kung ano nga ba ang eksaktong kasiyahan? Ibigay nya nalang sa akin sana ang yaman nya para tigilan ko na ang pagpapanggap na rich ako sa mga rich friends ko na hanggang ngayon ay pinipilit ako ng mga ito na pupunta daw sila ng hacienda namin.

As if naman na meron ako no'n.

Ang nakikita nila ay hacienda el farma at valderama kaya hindi sila pwedeng pumunta dito dahil mabubuking ako at kakaltukan ako ng nanay ko pag mangyari tapos ang worst ay masisira ang image ko.

Hindi pa nga ako sikat as blogger ay masisira na ako at ma-cancel ng aking mga kaibigan, parang hindi ko yata kakayanin.

Ang hirap din pala talaga makipagsabayan sa mga mayayaman. Alam mo 'yong feeling na para kang wanted na anytime ay huhulihin ka? Tapos masakit din sa leeg dahil palinga-linga ka pa at baka may makakakilala sayo na dati mo ng kilala at kilala na ang pagkatao mo.

Nakakakaba ang pagtatago ng pagkakakilanlan, sa totoo lang.  Ayaw ko rin naman ang ganito pero kailangan para lang maging relevant.


"Invited pala ako ni ma'am na sumama sa kanya sa party ng mga Del Rizal daw, Jah"  sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Sasama ka?"

Bahagya akong ngumisi at tumango. "Kung sasama ka ay sasama rin ako"

Tumaas ang isa nyang kilay sa akin. "Bakit hindi ka nalang manahimik sa bahay nyo, Naya?" sabi nya.

Kasabay ng kanyang sinabi ay napatingin ako sa labas ng mansyon nila. Kita ang swimming pool mula dito sa kanilang dine in kase glass wall ang pagitan. Hindi pa ako nakaligo dyan, pero wish ko 'yon na sana one day ay makapag swimming ako...kaming dalawa ni Justin.

Ang saya siguro no'n. At sa katabi ay ang gym nila. Ang yaman talaga ng mga Valderama. May tatlong angkan ang pinakamayaman sa pueblo. Ito ang mga Acosta, El Farma at Valderama. Magkakaibigan daw ang mga 'to. Pero sabi ni mama na mga El Farma daw ang pinaka mayaman, pangalawa ang mga Acosta at pumangatlo ang mga Valderama.

The weather is good today, there is no signal of a storm coming. Everything was calm and even the wind was blowing,  the joy pouring in my heart suddenly disappeared and was gradually replaced by the mist of my tears. Gumuhit ang sakit sa aking puso which is as fast as lightning.

Bahagya akong yumuko dahil alam ko ang gusto nyang tumbukin. Ayaw nya ako na pumunta doon dahil kasama sya at baka ikinakahiya nya lang ako.

"I don't want to be with you because you will only attend a party pretending to be one of the people there"

Napasinghap ako at tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha sa aking kandungan. Alam ko naman iyon pero bakit nangingialam sya?

"Buhay ko naman ito" mahinang sabi ko habang nakayuko at tahimik na lumuluha.

Kakarating nya lang, tapos pinakilig dahil sa banana chips and then sinaktan kaagad. Ang bilis naman binawi ang kasiyahan.

"I invited Winona and she will be with me and mommy's companion is daddy, if you come you won't be with anyone, maybe you won't agree to be the fifth wheel, right?"

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now