COLD.
In the sea of Bluefin Tunas, I'm just an anchovy trying to squeeze myself in just to keep up with them diving under the ocean at alam na ngayon iyon ni Justin.
Nahuli nya ako kahit hindi sya nangisda.
Hindi ko alam pero parang kailangan ko magpaliwanag sa kanya, lalo na ang mga mata nya ay nasa akin lang nakatuon. Tumayo sya at pupunta yata sa CR. Ang urge ko na sundan sya ay malakas pero pinigilan ko ang aking sarili na huwag syang sundan at sa pagbalik nya ay umupo sya sa tabi ko dahil ako ang nasa pinakadulo ng mesa at may isang upuan pa sa tabi ko ang bakante and he filled it with himself.
Classy and cozy ang paligid namin. Mga mayayaman ang nandirito lahat maliban sa akin.
Nagkaayaan na mag bar kaya ang bayadan sa bills ay isang laro. Bunutan ng cards at ang bubunot ay ang waiter. Kung kaninong card ang mabubunot ay syang magbabayad sa lahat ng bills.
Napalunok kaagad ako dahil sa dami namin ay hindi kasya ang 25,000 ko na dala ngayon. At ang isa sa nagpapakaba sa akin ay wala akong card kahit isa manlang. Meron naman pero photo card ng mga idol ko na PPop Artists. Nakakahiya naman kung iyon ang ipakita ko.
Bakit kase nauso pa ang ganitong laro kung pwede naman mag-ambagan para hindi naman masakit sa bulsa ng kung sino ang mabunot. Super unfair talaga ng larong ito. Paano kung next time na labas ay iyon pa rin ang mabunot? Edi kawawa sya!
Ang sumama talaga sa mga mayayaman ay isang sugal, kailangan mo mamuhunan before ang ROI, at malaki na rin ang nailabas ko na pera para lang talaga makasabay sa kanila. Kaya madalas ay hindi ako sumasama sa pag shopping ng mga kaibigan ko dahil hindi ko talaga afford ang mga signature brands kung halos linggo-linggo mamili.
Kaya every month lang ako kung sumama sa kanila at tig-iisang piraso lang ang binibili ko para hindi naman obvious na wala talaga akong pamibili ng marami.
Ngayon lang mas nag sink in sa utak ko ang pagsisisi na sana ay hindi nalang ako sumama dito at nanahimik nalang sana sa hacienda at tinulungan si Mama sa mga gawain doon. Hindi sana ako kinakabahan, tensyonado at nangliliit sa sarili ngayon.
Naglabasan na ang mga cards ng mga kaibigan ko at ako nalang yata ang hindi pa nakapaglabas. Ano naman kase ang ilalabas ko dahil wala naman ako no'n? Mostly kase ay cash talaga ako.
"Where is your card, Naya?" tanong ni Kara na kakahuhot nya lang ng kanya sa kanyang signature brand wallet.
Ang ibang mga kaibigan ko ay binalingan ako at ang iba naman ay walang pakialam at nagtatawanan lang habang nagkukwentuhan pero ang mga cards nila ay nakalabas na. Pinasadahan ko ng aking paningin ang mga iyon. Iba't-ibang kulay, galing sa iba't-ibang bangko.
Ano kaya ang feeling pag magkaroon ng ganyan? Pangarap ko rin magkaroon ng ganyan kase nakaka-social tingnan. Iyong tipong babayad ka lang pero cashless na dahil card nalang ang gagamitin mo. G-cash lang kase ang akin para lang talaga masabi na cashless rin ako.
Hanggang dito nalang siguro ang pagpapanggap ko. Ano ang sasabihin ko? Naiwan at nakalimutan lang? Bibilhin kaya nila ang alibi gayong noon pa man ay bida-bida na ako sa panglilibre sa kanila at alam nilang lahat na galante ako dahil iyon ang pino-portray ko.
Magkunwari kaya akong nahimatay? O 'di kaya ay nagka emergency sa bahay at kailangan ko umuwi as long as posible?
Pero parang ang OA naman kung iyon ang gagawin ko para lang makatakas sa kahihiyang ito. Bahala na! Sabihin ko nalang na naiwan ko. Ayaw ko mapahiya sa lahat ng andito pero ayaw ko rin na malaman nila ang totoo kong pagkato. Matagal kong pinaghirapan ito tapos mayayari lang dahil sa wala akong card?
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomansaWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...