TABA.
I was really embarrassed ng makita kami ng ganoong situation ng parents nya. Kay ma'am ay hindi ako nahiya pero kay sir ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Feeling ko kase ay hindi maganda tingnan knowing na sa bahay pa nila mismo nangyari ang ganito.
"Ibaba mo na ako Jah at nakakahiya sa parents mo" sabi ko sa kanya.
Tumawa sya ng mahina habang maingat akong inilalapag sa quartz countertop.
"Bakit ka naman mahihiya?" He said nonchalantly.
"Of course nakakahiya iyon! Paano kung isipin nila na naglalandian tayong dalawa dito"
Humalkhak sya. "They also flirt in front of me, kung alam mo lang"
Wala talaga buto ang dila nya at pati ang parents nya ay binu-vulgar.
"Normal lang naman iyon dahil mag-asawa sila tapos tayo ay magkaaway" simpleng sabi ko pa para depensahan ang parents nya.
Well, we no longer have control over what they think because they have seen what's going on in your mind"
Sa tono ng pananalita nya ay parang natuwa pa sya.
"Dito na tayo kakain" sabi nya ng akmang baba na sana ako.
"Ayaw mo doon sa mesa nyo? Malaki 'yon a?" nilingon ko ang kanilang pahabang mesa na kasya ang isang dosena.
"Kaya nga dito na tayo kakain kase masyado malaki 'yon sa atin"
Nagkibit balikat ako. "Ok fine"
Kumuha na ako ng dalawang plato at sya naman ay tinanggal sa rice cooker ang kanin at ang ulam na nasa pot pa ay inilagay sa counter top.
"Hindi mo hahanguin ang mga iyan?" tanong ko dahil umuusok pa ang adobo sa kawaling nilutuan nya.
"Hindi na at isa pa ay masarap kumain pag nasa nilutuan pa para hindi mabilis na lumamig"
"Pero mabilis naman mapanis" natatawang sabat ko.
Tinalikuran nya ako at pumunta sa reff at pagbalik nya ay may 1.5 pepsi na syang bitbit.
"Walang coke zero?" simpleng tanong ko.
Sinipat nya ako ng makahulugan.
"Bakit? Magbibilang ka na naman ng calorie intake mo? ngumuso ako. "Hindi uubra sa akin ang diet mo kung ako ang kasama mo Naya"
Sabi nya pa.
"Umupo ka na at kakain na tayo" utos ng prinsipe.
Uupo na sana ako kaya lang ay wala naman akong maupuan at mataas ang contertop kaya hindi ko iyon abot.
"D-dito ako uupo sa counter top, Jah?" nag-aalangang turo ko pa sa counter.
"Oo..." sabi nya habang naglalagay ng drinks sa dalawang baso.
"Pero...uhm...hindi ko abot" mahinang sabi ko.
Ibinaba nya ang ginagawa nya saglit at wala akong kahirap hirap na iniangat at ipinaupo sa counter top.
Napangiti ako ng kunti kase para syang nag-aalaga ng bata.
"Stop smiling Naya. Hindi ka cute"
E, ano naman? Masaya lang naman ako e.
"Hindi nga ako cute pero cute ang ginawa mo" na-ku-kyutan sabi ko.
Tumikhim sya tapos sumimsim sa drinks nya habang naglalakad papalapit sa akin na bitbit ang isang baso.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomanceWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...