CHAPTER 39

5 1 0
                                    

PANAGINIP.

This is the night.

Kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin and before that ay nag research muna ako kung paano ba ang magpaka detective para naman may idea ako sa pinapasok ko, marami sa youtube at nanood pa nga ako ng charle's angels, totally spiece and detective conan para ma-project ko ito ng may substance.

Para akong naglalaro sa ginagawa kong 'to. Laro na malapit kay kamatayan! Hindi ko kase pwedeng pabayaan ang case na ito ni Dave dahil ako nalang ang meron sa kanya kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.

Even if it takes a long time so be it. What's important is that I'm doing something instead of just staring and waiting for fate to work it out for me at gagawin ko ito para sa mga taong mahal ko na ninakaw nila ang kasiyahan na para dapat sa amin.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko na ang mga parokyano na pumapasok. Andito ako sa basement. Dito nagpaparke ang mga high profile na tao, merong mga pulitiko, celebrity at mga bilyonaryong negosyante para hindi obvious  that worldly desires are also prevalent in their system.

May mga sabit kase kaya patago ang mga bisyo.

Kahit dito sa VIP na daanan ay mahigpit ang security so I need to be double careful, otherwise, I might end up double dead.

Ang una kong target ay alamin kung saan ang control room para makakuha ng impormasyon sa system nila, at kahit paano ay literate naman ako pagdating sa computer kaya malakas ang tiwala ko sa aking sarili na ma-access ko iyon. Pero hindi ako sigurado kung gaano kabilis depende sa weigh ng data.

Kabado nga lang.

Sa pinto palang ay may laser scanner na kaagad at swak na swak ang pagiging so close ko dito. Tumunog ito makalipas ang ilang segundo kasabay ng pag-ilaw ng kulay green tanda na wala akong dalang sharp object for safety which is not for everyone but for the enemy that they cannot be deceived.

Brilliant idea that results in an unfair certain situation but we can't do anything because we are entering their territory.

"VIP pass ma'am?" sabi ng attendant na lalaki.

Desente ito sa suot na may enamel name tag na San Juan. Ipinakita ko sa kanya ang qr code na binigay ng mag book ako online.

Habang kumakalikot sya sa kanyang computer ay naglakbay ang mga mata ko sa kabuuan. Parang lobby ng hotel dito sa likod. Walang tao, ibang-iba ang atmosphere kung sa harap ka mismo dadaan.

Siguro para lang sa hindi pang bilyonaryo ang harap at hindi pang VIP.

Binalingan ako ng attendant ng nakangiti.

"Registered ma'am" sabi nya at ibinalik sa akin ang phone ko na kung saan in-scan nya.

Nginitian ko rin sya ng pagiging friendly. Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na babaeng attendant at iginaya nya ako sa VIP floor. Bawat dinadaanan namin ay tinatandaan ko.

Dinala nya ako sa isa sa mga couch doon. May babaeng sumasayaw na naka string bikini lang sa harap, actually, madilim sa loob at ang tanging maliwanag lang ay ang dance pole na kung saan ay sumasayaw ang tatlong babae na halos wala ng suot.

Ako ang nahiya para sa kanila knowing na halos na nanonood sa kanila ay mga lalaki.

Umupo ako sa pinakadulo na couch at tinanong ako ng attendant kung ano ang gusto kong iinumin. Pinili ko iyong light lang dahil hindi ako pumunta dito para maglasing kundi para makakuha ng impormasyon.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid.

Madilim pero hindi ito hadlang para hindi ko makita ang mga CCTV na naka-installed sa bawat gilid ng floor na iyon.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now