GIRLFRIEND.
After 20 minutes ay nakabalik na kaagad si Justin sa office bitbit ang ang mga binili nya. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil ang daming panties ang binili.
Kulang nalang at mag online selling ako dito sa office nya. Ano ba talaga ang tingin nya sa akin ay kaunti lang ang panty at nilubos-lubos nya talaga?
Kaloka!
"Ang dami naman nito Jah" sabi ko.
"It's ok Naya, iwan mo nalang dito ang iba at baka makalimutan mo magdala" sabi nya na may panunukso ang himig.
"Ah talaga? Akala ko ito na ang una't huli" sabay tingin ko sa gitna ng hita nya.
"Of course not!" mabilis na sabi nya na parang ayaw nya pumayag na ito na nga ang huli at hindi na masusundan pa.
"This is the beginning, baby" sabi nya pa at tumawa.
Napasinghap ako at kumuha nalang ng isa na susuotin ko ngayon.
Iniwan ko na muna sya at pumasok ng banyo. Good thing at may sarili syang banyo kaya hindi ko na kailangan na lumabas pa ng office para lang makapaglinis ng katawan dahil sigurado ako na kung lalabas ako ay nasa akin na naman ang tingin ng mga staff ni Justin.
Mukhang chismosa pa naman iyong secretary nya at baka ibinalita na sa labas ang nakita nya sa amin kanina. Gano'n naman ang mga iyon, e, kaya naiilang talaga ako pagdumaan sa kanila.
May mga toiletries naman sya at may toothbrush din. Kinuha ko ang toothbrush nya at inilabas ko ang ulo ko sa pinto.
"Jah!" tawag ko sa kanya.
"Yes, Naya?" sagot nya habang ininit ulit ang lunch namin na lumamig na at hapon na rin.
"Gagamitin ko 'tong toothbrush mo, naghalikan naman na tayo e" walang kiyemeng paalam ko.
"As long as you want, Baby"
Nangiti ako habang nagto-toothbrush at hindi pa rin makapaniwala na may nangyari na sa amin ni Justin. Walang kami. Hindi ko sya boyfriend pero ipinaubaya ko ang sarili ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang plano nya after. Hindi ko naman sya oobligahin dahil lang may nangyari sa amin. Hindi nya rin naman ako mabubuntis kaya wala syang responsibilidad sa akin.
Normal lang naman ang makipag sex sa lalaki sa panahon ngayon kahit walang kayo.
Oo Naya, normal iyon kung boyfriend mo sya. E, wala naman kayo kaya in my case ay hindi normal na may nangyari sa amin ngayon.
Pero gusto ko naman kaya wala akong dapat sisihin at parehas naman kaming single, i think that's what matters.
Malay mo ma-develop rin ako sa kanya kung pupirsigihin nya na ligawan ako but i don't think so. Parang ayaw ko pa at gusto ko pa na magpaka-single ng mahabang panahon.
After ko linisan ang sarili ay nakahanda na iyong mesa nya para sa late lunch namin at doon na kami kumain sa baon na dala ko.
"Bukas ba magdadala ka ulit ng food?" tanong nya habang kumakain kami.
Nag-isip ako kung dadala ba ako.
"Siguro"
"Isasabay mo ako ulit?"
Umangat ang mga mata ko sa kanya. Hinihintay nya rin ang sagot ko at kumikinang pa ito.
"You know, i'm excited to eat you again" natatawang sabi nya.
Sinapak ko sya dahil may double meaning iyon.
"What? I'ts food Naya, what do you think?" depensa nya na patuloy sa pagtawa.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomansaWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...