CHAPTER 18

8 1 0
                                    

SPECIAL.

Hindi nya akong pinayagan na hubarin ang kanyang shorts kaya ni-remidyuhan nya nalang at hindi rin kasya ang belt nya kaya kumuha sya ng panali at tinali iyon para hindi lang mahulog.

"Hindi ka dapat nagpapakita ng balat sa katawan Naya" sabi nya after maayos ang shorts na suot ko. "Ayos lang kung ako lang ang makakakita kase sanay naman ako sayo at hindi rin kita type" dugtong nya pa.

Nagtalon-talon pa ako para lang e-test kung hindi na ba talaga mahuhulog at successful naman ang ginawa nya.

"Pakialam mo?" sikmat ko.

Umiling sya at bumalik sa kanyang niluluto. "Sinasabihan ka lang ng maayos tapos minamasama mo? Sino ang tatama sa baluktot mong paniniwala? Si Mickey? Ni hindi ka nga pinapansin"

Hindi totoo iyon, maraming trabaho si Mickey at isa pa ay hindi nya alam na gusto ko sya at ang kupal lang na 'to ang nakakaalam kahit hindi ko kinukumperma sa kanya ay alam nya, matalas ang kanyang pang-amoy.

Malakas ang radar nya sa tsismisan.

"Busy lang sya..." hindi sigurado na sabi ko kase kahit ako ay unti-unti ko ng nararamdaman iyon.

Nauunawaan ko naman dahil maraming obligasyon 'yong tao...pero noon 'yon dahil ngayon ay nilalason na ni Justin ang aking paniniwala at unti-unti ko ng nasasabi sa aking isipan na parang tama sya.

Lumapit ako sa kanyang reff at binuksan. Naghanap ako ng pwedeng kainin kase nagluluto pa sya at hindi pa luto at nagugutom na rin ako at naiihi ko na ang mga nainom ko kanina sa bar kasabay ng pagkawala ng antok ko.

Hindi magulay si Justin sa pagkain na katulad ng iba, sya ay balanse. Kung may healthy food ay may junkfoods rin kaya hindi nakakapagtaka kung may makikita ako sa pantry nya na mga kutkutin. Kumuha ako ng oreo. Ang tanda na nya ay nag o-oreo pa.

Nangiti ako kase ang cute lang.

Umupo ako sa high chair na nasa harap nya. Dumako ang mga mata nya sa dala ko na oreo na inilapag sa counter top at ibinaling ulit ang mga mata nya sa kanyang ginagawa.

"Gusto ko ng kape Jah katulad ng ginawa mo noong nasiraan tayo ng sasakyan" sabay tirik ng mga mata ko dahil parang hindi naman kami nasiraan noon at tinamad lang yata mag drive.

Nagpakulo muna sya ng tubig.

"Kailan ka uuwi?" napaangat ang mga mata ko sa kanya.

"Bukas kase baka mapagalitan ako ni mama kung hindi ko tutuparin ang sinabi ko at hindi na ako makaulit" natatawa pa ako nyan.

"At may balak ka pa talagang umulit?"

Ngumuso ako. "Ang killjoy mo naman, parang sa bar lang e" depensa ko.

"If I were you, Naya, stop what you're doing dahil ikaw lang ang magpapahamak sa ginagawa mo"

Kumagat ako sa oreo. "Well, that's your problem because you're not me"

Tumalim ang tingin nya sa akin at tinimpla na ang kape na request ko.

"Ang ganda ng bahay mo Jah" puri ko kase ang ganda naman talaga at maaliwalas.

Parang hindi lalaki ang nakatira kase magaan sa mata ang mga bagay-bagay.

"Kapag mayaman na ako ay gusto ko ng ganitong bahay" sabi ko na natatawa kahit wala namang nakakatawa.

Siguro dahil ang pangarap ko ay imposible kaya nakakatawa talaga 'yon.

"Why don't you just work and save for your dream" sinabi nya iyon habang inilalapag sa harap ka ang kape na gusto ko.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now