CHAPTER 24

10 1 0
                                    


BENCH.

Sinipat ako ni Trexi mula ulo hanggang paa at ibinalik ang mga ngiti nya  na saglit na nawala pero ang suot nya ngayon ay mas matibay pa sa orocan.

"Hi, nice meeting you" sabi nya at inilahad ang kamay nya sa akin.

Tinanggap ko iyon pero hindi manlang dumapo ang palad ko sa palad nya ay ibinaba nya na ito kaagad na sinabayan ng pagbaling kay Liza na parang wala syang ginawa na sinadya nya na ibitin ang kamay ko.

What she did was simply pambabastos.

Naikuyom ko nalang ang palad ko at nag pretend na para wala rin nangyari.

Napatingin kaming lahat ng pumunta sa gitna si Trexi na may hawak na microphone.

"Mic test, mic test. Hello, kung hindi nyo ako tatanungin ay magaling ako kumanta" announce nya pa.

Naghiyawan ang mga kalalakihan sa kabilang mesa at nag request pa ng kanta kay Trexi.

"Trexi, sumayaw ka nalang ng careless whisper at isayaw mo si pareng Dave para naman makita nya na magaling kang sumayaw" hiyaw ng isa sa mga lalaki na kasama nila Dave.

Napatingin ako banda doon sa kanila.

Tumatawa si Dave na umiiling-iling.

"Huwag nyo naman pilitin ang bagong kababaryo natin at dapat ay dahan-dahanin lang" sabi ni Trexi.

Ako ay napamulagat dahil sa paraan ng pagbigkas nya ng kanyang salita ay tunog nang-aakit ito.

Alam na alam ko ang mga ganitong tono dahil hindi na ito bago sa pandinig ng mga may asawa, lalo na kung ang kinakantahan ay ang mga asawa nila.

Pero hindi ko naman totoong asawa si Dave. Pero kahit na, naririndi pa rin ako.

"Kakanta nalang muna ako baka sakaling magustuhan nyo ang boses ko" dugtong nya na ang mga mata ay andon sa daddy ng aking alaga.

Nagpalakpakan ang lahat at nakipalakpak rin si Dave. Ako, hindi pumalakpak dahil ayaw ko na maging orocan na katulad nya.

🎶 Ikaw ang pag-ibig na hinintay 🎶

Waahh!

Talaga lang ha? Unang bigkas nya palang ay may pinaparating na. Japayuki kase kaya sanay sa ganitong galawan.

🎶 Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw 🎶

Sabay turo nya pa kay Dave.

Go, pagka interesan mo, multuhin ka nga ng asawa nya ay ikaw rin. Hindi porket maganda at seksi ka ay madali mong maakit iyan. Wala ka bang nasilo sa pagiging japayuki mo or sila na rin ang umaayaw sayo?

🎶 lkaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal 🎶

Huwag mong idamay si lord at hindi rin sya ibinigay sayo ni lord. Ang feeling nito. Alalahanin mo na hindi unfair si lord, binigyan ka nya ng magandang mukha at boses kaya sigurado ako na miserable ang love life mo pero hindi dahilan iyon para akitin mo ang daddy ng aking alaga.

🎶 Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw (Ikaw ang pag-ibig na hinintay) 🎶

Biyaya nga sya sayo kung sakali pero kamalasan naman sya sa anak nya kung papatulan ka nya.

🎶 Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw 🎶

Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal

Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw. 🎶

Kinakanta nya iyon habang malagkit ang mga titig nya kay Dave.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now