MAGICAL.
And that moment I feel magical while chewing one of the last three chocolates tonight.
And tomorrow I will eat three more chocolates. One after I break fast. One after lunch and one after dinner.
I shouldn't eat it in just one sitting, said Justin. At bibilhan nya pa daw ako ng marami at para lang sa akin lahat iyon. Binigyan ko rin sya kanina pero isa lang at sobra iyon sa bilang para sa araw na matitira.
After we ate ay pinapasok na nya ako sa loob ng tent para makapagpahinga na. Habang nasa loob ako ay nakaupo lang sya sa labas. Doon lang daw sya at babantayan nya ako.
Hindi ko alam na malaki ang ipinagbago ni Justin sa mga nakalipas na mga taon na hindi ko sya nakikita. Although, binubully nya pa rin naman ako pero hindi na katulad noong mga bata pa kami na to the max talaga ang mga binibitawan nyang salita. Kung noon ay binabawi nya ang chocolate na bigay sa akin ni ma'am ay iba na ngayon, binibilhan na nya talaga ako at para lang lahat iyon sa akin.
Nararamdaman ko na secure ako sa kanya kahit sa mga oras na ito na kami lang ang tao sa gitna ng mataas na kabundukan. Babantayan nya pa nga ako sabi nya.
Kanina pa ako pabalingbaling sa higaan pero hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang taong nasa labas ng tent ngayon. Nakaramdam ako ng kunsensya dahil malamig pa naman sa labas.
What if, tabi nalang kami matulog ngayong gabi? Malapad naman ang loob ng tent kaya sigurado na hindi kami magdidikit dahil may space pa sa gitna namin.
Bumangon ako at binuksan ang maliit na pinto ng tent na zipper lang. Nakaupo pa rin sya at nakatingala sa kalangitan. I wonder kung ano ang nasa isip nya ngayon? Nagsisi ba sya kung bakit na stranded kami dito at ako ang kasama nya instead ang mga babae nya?
Umasim ang aking mukha ng maisip na posible nga na may girlfriend sya ngayon at baka nga ay nag-aalala na ito sa kanya dahil walang cignal sa lugar na ito kaya hindi kami ma-contact. Hindi rin makahingi ng tulong para maayos ang aming sasakyan.
Dumungaw ako sa pinto at tinawag sya.
"Uhm. Jah!" nilingon nya ako. "Dito ka na rin matulog sa loob dahil malaki naman ang space sa at hindi ka makatulog dyan at mukhang uulan rin dahil madilim ang langit at malamig na ang ihip ng hangin"
Bahagya syang nagulat sa aking munting paanyaya. Malakas ang pakiramdam ko na mapagkakatiwalaan sya. Kung kami kaya ni Mickey ang na stranded? Aayain ko ba sya na matulog katabi ko?
Posible iyon dahil sobrang gentleman ng taong iyon at isa pa ay gustong-gusto ko sya.
"Sleep na Naya at dito lang ako. Babantayan kita"
Napailing ako sa kanyang pagtanggi. Hindi ko nagustuhan. Pati ba naman sa sitwasyon na delekado ay pipiliin nyang mapahamak huwag lang ako makasama sa isang masikip na espasyo?
Grabe naman sya kung tama ang iniisip ko sa kanya. Dapat i-set a side nya muna ang personal na issue nya sa mga ganitong pagkakataon dahil wala naming kaming choice pareho. Kase kung meron lang ay ayaw ko rin naman sya na makasama sa iisang tulugan.
Mabuti sana kung si Mickey sya. Pero si Justin kase sya.
"Ang sabihin mo ay nandidiri ka na makatabi ako kaya ayaw mong matulog dito. Huwag kang mag-alala at hindi naman kita gagapangin Jah at concern lang naman ako sayo. Paano kung may wolf dyan at kakainin ka? Edi kunsensya ko pa ngayon dahil hindi kita pinapasok dito?"
Tumaas ang isa nyang kilay sa akin.
"Do you want me to sleep with you, then?"
Hindi nya na dapat na tanongin pa dahil inaya ko na nga sya diba? Nakatitig sya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Pero hindi ko na sya sinagot at bumalik na ako sa pag-upo sa gilid. Hinayaan ko na bukas ang zipper na pinto. Bahala sya kung papasok sya dito or hindi, ang mahalaga ay inaya ko sya at kung ano man ang mangyari sa kanya sa labas ay hindi ko na problema at kunsensya iyon.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomanceWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...