CHAPTER 23

7 0 0
                                    

ASAWA.


Araw ng linggo ay inaya ako ni Dave na magsimba raw kami, pumayag kaagad ako dahil matagal na rin na hindi ako nakapunta ng simbahan at  pati nga ang pagdarasal ay hindi ko na nagagawa. Ang huli kong punta ng simbahan ay noong libing ni mama at hindi na nasundan pa.

"Maligo ka?" tanong ni Dave.

"Oo, pero mamaya na at uunahin ko muna si Angel at mabilis lang naman ako maligo" sagot ko.

Marahan syang tumango sa akin at iniwan na kami ng anak nya
Kaya pinaliguan ko na kaagad ang baby.

Iwan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa batang ito, sobrang tahimik, pero nag-iiyak rin kapag hindi sya kumportable o gutom sya. Tinitigan ko ang maliit na balat sa ilalim ng kanyang talampakan.

Bilog na bilog iyon na parang tuldok lang.

Inabot ng mga 20 minutes ang pagpaligo ko sa kanya. Kunti lang ang mga damit ng bata kaya sasabihin ko sa daddy nya mamaya na bilhan nya ito dahil lumalaki na at sumisikip na rin ito sa kanya.

Super cute pa naman ng baby na 'to.

Walang butas ang tenga ng baby at mamaya rin ay sasabihin ko na palagyan namin ng hikaw kase babae ang anak nya, alam mo naman ang mga girls, super girlie at gusto ko rin na may hikaw para mas cute damitan.

Nag eenjoy ako pag dinadamitan ko si Angel ng partner partner at mabuti na nga lang at pares pares ang mga gamit nya, pero iyon nga lang at kakaunti lang din.

Bumaba na kami kaagad at nakaupo si Dave sa sala habang nanonood ng tv. Nakabihis na rin sya at siguro ay hinihintay nalang kami.

"Dave, hawakan mo muna ang anak mo at ako naman ang maliligo" sabi ko.

Agad din naman na kinuha nya ang baby sa akin at bumalik ako ulit sa taas para makaligo na rin. Medyo excited ako dahil ito ang unang beses na lalabas kaming tatlo, medyo maliit pa kase ang baby sa mga buwan na nakalipas at ngayon ay malaki na sya at nakakakita na kaya pwede na ilabas.

Nagsuot lang ako ng pantalon at t-shirt dahil probinsya naman ito. Pati ang pananamit ko ay nabago rin, kung dati ay sexy ako palagi ngayon ay sobrang simple ko nalang.

Iniiwasan ko na ang magsuot ng mga sexing damit dahil ang naaalala ko sa mga iyon ay walang iba kundi si Justin. Ang madalas na pamumuna nya noon sa akin.  Hangga't maaari ay ayaw ko syang maalala dahil sumisikip ang aking dibdib dahil sa kunsensya.

Binalik ko ang 25,000 kay ma'am Hellen bago ako tuluyan na nawala sa buhay nilang lahat.

Tama nga si Justin na ang cheap kong babae dahil pinatos ko ang 50,000 pesos. Hindi ko sya masisi kung sobrang liit ng tingin nya sa akin dahil kagagawan ko rin naman iyon.

Nangarap lang kase at nasaktan rin noong mga kabataan pa namin. Kase kung mayaman lang ako noon, baka hindi ako nakatikim ng panglalait mula sa kanya at hindi ko pinatulan ang pakiusap ng kanyang ina.

Pero wala na akong magagawa dahil nakaraan na iyon at binabayaran ko na ang kasalanan na aking nagawa sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ko para lang sa naging kasalanan ko.

I take the accountability of the past for the present.

Ang unfair nga e kase gumanti lang naman ako pero bakit parang kasalanan ko?

Kung ganoon ay ok lang na makagawa sila ng kasalanan sayo tapos pag ginantihan mo ay ikaw na iyong mapupuruhan. Wala talagang hustisya!

After namin magsimba ay inaya ko nga si Dave na mamili kami ng gamit ng baby.

Walang mall dito kaya sa mga tyanggi kami pumunta. Kumislap ang mga mata ko dahil ang daming pwedeng pagpipilian para sa baby. Ako talaga ang namili at hinayaan lang ako ni Dave habang karga-karga nya ang kanyang anak na nakasunod lang sa akin.

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now