CHAPTER 37

2 0 0
                                    

NOVEMBER 1


Hindi na nga talaga ako pumasok sa trabaho at nag work from home nalang ako.

Hindi naman sa hindi ko kaya pakiharapan si Justin kundi para nalang talaga sa katahimikan naming dalawa kase palagi kami nag-aaway, kailangan ay may isang umintindi at magpakumbaba dahil kung parehas kaming nagmamataas ay parehas rin kaming babagsak.

Sometimes there is an ego to be sacrificed in order not to lose our self criteria to ourselves and be accountable for minor incidents so that it does not expand.

Ilang linggo ko na syang hindi nakikita pero mas gusto ko nga ang ganito dahil hindi ako naghahabol ng oras papasok at mas magagamit ko pa sa mahahalagang bagay ang mga oras na inilalaan ko sa pag commute papasok ng trabaho.

Nagko-commute lang talaga ako.

Ayaw ko gamitin ang mga sasakyan ni Dave dahil hindi naman ako marunong at sinasabi nga sa akin ni attorney na ibenta ko kesa naman sa mabulok ang mga iyan, pero ayaw ko gawin dahil ala-ala iyon ni Dave, pinaghirapan nya ang pera na mabili nya ang lahat ng properties nya kahit nakapangalan na sa akin ay hindi ko pa rin aangkinin.

Nirerespeto ko ang mga pinaghirapan nya dahil dugo at pawis nya iyon kahit na nasa loob sya ng sindikato ay pahahalagahan ko pa rin ang kanya.

"Saan naman ang bar na 'yon?" tanong ko.

Andito si attorney at may lead na sya sa kung saan ba ang bar na kung saan nagtatrabaho ang mama ni Dave noon.

"I'm going there to investigate Naya"

I was thinking deeply as I bit my nails.

"Sasama ako kung ganoon" presenta ko.

"No! It's not possible Naya, you just stay here and I'll take care of this case and don't worry and I'll update you from time to time"

"Pero attorney..."

Tiningnan nya ako sa disappointed na mga tingin.

"Kapag sinabi ko ay gagawin ko, huwag matigas ang ulo Naya, parehas talaga kayo ng ate mo na suwail at hindi mapakiusapan"

Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Anong suwail? Ang bait kaya no'n" depensa ko sa asawa nya.

"Yeah, a beast with a beautiful face of an angel"

Natawa ako ng malakas. "Isusumbong talaga kita sa kanya, sasabihin ko sinisiraan mo sya sa akin"

"Hissed" sabi nya pa.

"Bakit nag-away kayo?" mausyosong tanong ko.

"Slight..." simpleng sagot nya habang nasa laptop ang kanyang mga mata.

Kaya naman pala!

"Hindi nya ako pinapasok kagabi sa bahay at huwag daw ako matulog doon dahil late daw ako umuwi" dugtong nya pa.

"Malamang ikaw ang pinaglilihian no'n, binuntis mo kaya pagtyagaan mo" pangangantyaw ko pa sa kanya. "Saan ka natulog kagabi kung ganoon? Kila senyorita?"

Umiling sya.

"Hindi, hindi ako natutulog doon, kay Yil ako nakitulog kagabi"

Oo nga pala, wala na ako balita kay sir Yil a.

"Kumusta na pala si sir Yil kuya? Hindi ko na nakikita 'yon"

Tanong ko. Nalihis ang totoong usapan naming dalawa at napunta na tuloy sa kanya. Bihira lang kase mag open up ang isang 'to at ma-sekreto rin.

Kumplikado din kase ang buhay ng taong 'yon. Iwan ko ba, ang yayaman ng mga Recuerda pero parang katulad ko rin sila na hindi tinatantanan ng problema.

"Ayos naman at busy sa REC, silang dalawa ni Marky. Minsan ay makihalubilo ka sa mga asawa nila para naman may iba kang kaibigan o pumunta ka sa bahay kase ang ate mo wala din mga kaibigan at nasa loob lang ng bahay palagi at kahit isama ko sa labas ay ayaw"

A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now