CAT.
Hindi ko matiis na hindi ako kinikibo ni Justin. Dalawang linggo na nya na dini-deadma ang beauty ko. Palagi lang din ako seen ni kupal. Iwan ko ba kung bakit hinahanap-hanap na ng sistema ko ang mga pang-aalaska nya sa akin.
At heto ako ngayon, naglalakad papunta sa kanila. Lilinisan ko ang kanyang kotse kunyari dahil ipinangako ko iyon. Hindi rin ako sigurado kung nasa hacienda sya ngayon o nasa Maynila?
Pero magbabakasakali lang ako at hindi naman sya ang pakay ko talaga at ang kotse nya lang. Pagdating ko ay ayaw pahawakan sa akin ng katulong nila at wala daw si Justin at nangangabayo kasama ang kanyang pusa.
Syempre sinabi ko na alam na nya na lilinisan ko kaya hinayaan na ako ng katulong nila. At ito ako ngayon at enjoy na enjoy na nililinisan ang kotse nya. Sinabunan ko rin ang loob. Ang mga upuan at mga gilid-gilid ay pinasadahan ko ng malakas na pressure ng hose. Ang saya dahil puro bubbles ang loob ng car nya. Alam ko matutuwa si Jah sa akin pagmakita nya na nililinisan ko ng mabuti ang kanyang sasakyan. Mukhang mamahalin pa naman ito.
Basang-basa na rin ako at ayos lang naman sa akin. Hinubad ko ang suot kong damit at isinampay sa labas para matuyo. Binilog ko ang mahaba kong buhok para hindi sagabal. Naka bra lang ako at naka shorts na blue na maong. Ayos lang sa akin ang suot ko at parang nag sha-shower show ako. Nilagyan ko pa ng maraming bubbles ang loob at ibinabad saglit at mamaya ko na babalikan para banlawan.
Ang next na gagawin ko ay ang kuskusin ang mga dents sa exterior ng kotse. Pinatay ko muna ang hose at pumasok sa kusina nila pero wala ang mga katulong kaya naghanap nalang ako ng pwede pangtanggal sa dents.
Kumislap ang mga mata ko ng makita ko ang kumikislap rin na stell wall.
Nilagyan ko muna ng maraming sabon para bumula bago ko kinuskos ng kinuskos. Ang saya pala maglinis ng car. Pagkakitaan ko kaya ito, tagalinis ng car ni Justin tapos sisingilin ko sya.
Sayang rin kase. May talent pala ako sa pagka-car wash.
Para lang akong naglalaro. Excited na ako na makita ni Jah na malinis na ang kanyang kotse. I'm sure, papansinin na nya ako after this.
Hindi nya na rin ako iindyanin katulad ng ginagawa nya ngayon.
Basang-basa na rin ako at puro na rin bula. Ang kotse ni Justin ay parang isang malaking bubble na ngayon at parang lobo na lilipad na.
Ang saya lang.
Pero nagulat ako ng may magmura mula sa aking likuran.
"What the f*ck!" halos ikabingi ko ang sigaw nya na 'yon.
Mukha ni Justin ang nakita ko. Gulat na gulat sya at nanigas sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa kanyang kotse na puro bubbles ang loob at labas.
Nabitawan ko tuloy ang hawak ko na hose dahil babanlawan ko na sana.
"Ahh...nilinisan ko ang kotse mo Jah" masayang sabi ko.
"Shit!" mura nya ulit.
Napahawak ang dalawa nyang kamay sa kanyang ulo at nag skwat sya sa harap ng kanyang kotse na parang iiyak habang sinusuri nya ito.
Nagtaka ako. Bakit naman sya iiyak?
Ah, baka tears of joy dahil nilinisan ko.
Kinuha ko ang hose na nabitawan ko kanina na nanatiling umaaagos ang tubig nito. Akma ko na sanang itutok ito sa kotse nya ng biglang tumayo si Justin at inagaw ito sa mga kamay ko at itinapon padarang.
Nasaktan ako sa paraan ng pag-agaw nya ng hose sa aking mga kamay kaya medyo nasugatan ako doon at dumugo. Mga kukuo nya yata ang nakasagi sa manipis kong balat sa likod ng aking palad.
YOU ARE READING
A DAY IN MY LIFE: VALDERAMA 1 (COMPLETED)
RomanceWelcome to my world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories. Hi guys, I'm Naya. Of course I'm a blogger. Ang Mama ko ay isang hamak na taga silbi lang sa isang mayam...