9

41 7 0
                                    


Third Person POV


Pagsapit ng alas-syete, nagsimulang bumukas ang tarangkahan na matatagpuan sa dulo ng akademya.

Gaganapin ang Welcome Party ng mga estudyante sa Schid Field. Ito'y matatagpuan sa dulo ng akademya. Madalang ginagamit ang Schid Field dahil para lamang sa mga mahalagang kaganapan. Kinakailangan ipagsama ang apat na lupain ng bayan upang maging kapantay ang sukat ng Schid Field.

May mga booths at pagkain ang hinanda ng mga Masters at mga Guro para sa mga estudyante.

Lahat ng estudyante ay hindi pinalagpas ang Welcome Party dahil minsan lang makaranas ng kasiyahan at nagkaroon ng kalayaan na isantabi ang pag-aaral.

Kasalukuyang naghihintay si Alenia mag-isa sa tapat ng tarangkahan. Hindi niya kasama si Krist dahil pinatawag ng Headmaster.

Sa kalagitnaan ng paghihintay, dumating si Hiraya.

"Nasaan sila?" Alenia

"Pinatawag ni Headmaster si Jae. Dapat kasama ko ang mga kaibigan niya pero pinilit ko na mag-isa dahil kailangan din natin mag-usap." Hiraya

Pumunta sila Alenia sa madilim na pwesto.

"Salamat dahil tinulungan mo ako." Alenia

"Wala 'yon. Gusto ko rin gumawa ng paraan para bumalik ang pagkakaibigan nila." Hiraya

"Sa tingin mo ba, gagana ang plano natin? I mean ilang buwan na ang nakalipas matapos ang huling pagsasama nila. Ang laki ng pinagbago ni Kuya at ni Krist. Si Kuya, palaging nakapokus sa misyon at kahit bakasyon na, gusto niya na may ginagawa pa rin. Si Krist naman ay naging tahimik lalo na kapag hindi ikaw ang unang kumausap sa kan'ya." Alenia

"Mukhang malaki ang pagbabago nila. Si Jae naman ay katulad ni Aeris. Nakatutok din sa misyon kahit hindi para sa kan'ya. Hindi naman siya nawawalan ng oras sa'kin kaso hindi naman siya gano'n bago maging kami." Hiraya

"Kasalanan 'to ni Aera. Siya ang dahilan kung kaya't nawasak ang pagkakaibigan ng tatlo." Alenia

"Paano mo nasabi?" Hiraya

Tumingin si Alenia sa paligid.

"Simula nang dumating siya sa buhay namin, walang ginawa kundi ang magpapansin. Gumagawa siya ng paraan para makuha ang atensyon ng mga tao lalo na sa tatlong prinsipe." Alenia

"Akala ko ba may gusto siya kay Jae?" Hiraya

"Meron pero hindi mo alam na ang tatlong prinsipe ay may parang may gusto sa kan'ya." Alenia

Tila walang ideya si Hiraya dahil ang alam niya lang ay pagkagusto ni Aera kay Jae.

"Pati ang iyong kapatid?" Hiraya

"Oo. Hindi naman problema 'yon dahil hindi namin siya tunay na kapatid. Inampon lang siya ni Ina dahil nawalan ng mga magulang. Kung tutuusin, bagay lang sa kan'ya na mawalan ng mga magulang." Alenia

Hindi aakalain ni Hiraya na magkakagusto si Aeris kay Aera. Ang akala niya ay gano'n lamang magpakita ng pagmamahal si Aeris kay Aera sa tuwing nakikita niya na magkasama habang buo pa ang pagkakaibigan nila.

"Pati ang iyong kasintahan?" Hiraya

Nakaramdam ng galit si Alenia dahil hindi pa rin nawawala ang hinala kay Krist.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon