Alice's POV
'Simula nang dumating ka sa pamilya namin, puro na lang kahihiyan ang binigay mo. Bakit hindi ka na lang mamatay kasama ang nanay mong malandi at haliparot? Kung walang nagsumbong kay Ina, matagal ka ng nabura sa pamilya namin.'Nagising ang natutulog kong diwa dahil sa kirot na naramdaman ko mula sa pisngi ko.
Para akong sinampal dati pero naramdaman ko pa rin.
Pagkamulat ng mga mata, bumungad ang pamilyar na kisame. Bumangon ako at ginala ang paningin. Napagtanto ko na bumalik ulit ako sa kuwarto na parang katulong ang nagmamay-ari.
Ibig sabihin ay totoo pala na nandito ako. Hindi panaginip ang nakita at naranasan ko.
Bigla bumalik ang alaala ko tungkol sa pag-aaway namin ni Alenia. Natandaan ko ang pagbago ng kulay ng mga mata at pagtalsik ng katawan ko.
Para siyang sinapian ng demonyo. Nakakatawa man isipin pero parang may kapangyarihan ang babaeng 'yon.
Kaya ko lang naman siya inaway dahil sinabi ba naman na katulong lang ang nanay ko. Grabe kaya ang paghihirap ng mga magulang ko para lang maitaguyod ako at may mapakain sa ate kong ampon.
Ang nakakapagtaka, ibang-iba ang itsura ng lugar dito. Ano ba ginagawa ko dito? Bakit iba ang pagmumukha nila? Base rin sa pananamit ay sobrang layo sa nakasanayan ko.
Hindi kaya nabuhay ulit ako pero iba na ang magiging takbo ng buhay ko? Bakit naalala ko pa rin ang naging buhay ko dati?
Naguguluhan na ako.
Nakabalik ako sa wisyo dahil bumukas ang pinto. Nang magtama ang aming mga mata, muli siyang ngumiti.
"Gising ka na pala, anak." Siya
Huwag niya na pilitin na ituring akong anak. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang katotohanan.
Nakakainis lang ay naging baliktad pa ang sitwasyon. Ako na nga ang binaril, tinaksil ng sarili kong pamilya at boyfriend, sa huli, ako pa ang naging ampon sa panibagong buhay ko.
"Kumusta ang kalagayan mo? May masakit pa ba sa'yo?" Siya
"Wala naman. Himala nga at nabuhay pa ako."
Nilapag niya ang nakatuping damit. Para sa'kin siguro 'yan at alangan naman para sa kan'ya.
"Binigyan ka ng gamot para gumaling ka. Hindi naging maganda ang kalagayan mo dahil muntikan na may tumusok ng direkta sa puso mo. Mabuti na lang ay gumalaw ang katawan mo kung kaya't sa iba tumama." Siya
Anong pinagsasabi niya? Aware din ba siya na may ginawa ang anak niya?
"Alam mo ba na demonyo si Alenia? Ikaw na nagsabi tungkol sa nangyari sa'kin. Ibig sabihin ay nakita mo ang ginawa niya."
"Hindi demonyo ang kapatid mo. Hindi niya lang napigilan na gamitin sa'yo ang kapangyarihan niya. Pagpasensyahan mo na lang ang ate mo dahil nilamon siya ng galit." Siya
Parang palagi naman siyang galit. Feeling ko nga kapag nagpakita ako, may lalabas na usok sa tainga niya kahit wala akong ginagawa.
"Ano kamo? Kapangyarihan?!"
"Oo, anak. May kapangyarihang hangin ang kapatid mo. Parehas kami ng iyong ama kung kaya't nakuha niya sa'min." Siya
Bakit may kapangyarihan pa na nalalaman? Ginag*go ba niya ako?
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...