Alice's POV
Nakaupo ako ngayon sa sofa at katabi ko si Acryl. Nasa kabilang sofa ang mga magulang niya."Simulan mo na, anak." Nanay niya
Akala ko sisigawan na naman kami.
"Balak ko po pumunta sa kabilang bayan dahil gusto ko mamasyal. Nagkataon na napadaan ako sa Birne at hindi ko inaasahan na may sumulpot na halimaw. Sinugod niya ako kung kaya't napilitan na lumaban. Napatay ko ang halimaw ngunit may dumating ulit at dalawa na sila. Napatay ng isang halimaw ang kabayo habang nakikipaglaban ako sa isa pang halimaw. Hindi ko kinaya dahil marami akong natamo. Akala ko katapusan ko na ngunit biglang dumating si Alice upang iligtas ang buhay ko. Nagawa niyang patayin ang dalawang halimaw kung kaya't nagkaroon ako ng utang na loob. Ang kapalit nito ay tutulungan ko siya na makahanap ng matutuluyan lalo na't hindi pa siya kumakain. Sinabi niya sa'kin na pinabayaan siya ng kan'yang mga magulang kung kaya't napilitan na mamuhay mag-isa." Acryl
Ang galing ng batang 'to. Sabi niya kanina na sasabihin ang lahat at pawang katotohanan lang. Sa una pa lang ay hindi na totoo. Sa totoo lang, wala siyang sinabi na totoo pero katulad naman sa totoong nangyari. Still, parehas pa rin ang kalabasan. Iyon ay may utang na loob siya sa'kin.
Malakas din ang tama dahil ginawang impromptu.
"Gano'n ba? Pasensya ka na, iha. Hindi ko alam na gano'n pala ang nangyari lalo na sa anak ko." Nanay niya
Ang galing po ng anak mo. Hindi ko rin inakala na ang bilis niyong ma-uto.
"Ayos lang po. Naintindihan ko naman po lalo na't isa ka ng magulang. Ang hangarin ay mapabuti ang iyong anak." As if naman matino ang anak nila.
Ngumiti ang nanay niya kung kaya't mas lalong gumanda.
"Para naman makabawi ako sa'yo, papayagan kita na manatili dito tutal marami pa naman kuwarto ngunit sa isang kondisyon." Nanay niya
May kondisyon pa?! Walang kwenta ang utang na loob kung may hiling pa sila. Ang lakas naman ng tama ng pamilya na 'to.
"Ano po 'yon?"
"Huwag mo sasabihin sa kaharian na dito ka nakatira." Nanay niya
Bakit naman? Paano kung gusto ko?
"Sundin mo na lang kung papayag ka. Kabayaran na rin ang pagligtas sa buhay ng anak namin. Wala kang problema dito lalo na't mababait kami." Tatay niya
Weh?
"Maraming salamat po."
"Maraming salamat din sa pagligtas sa anak ko." Nanay niya
Nandito kami ngayon sa magiging kuwarto ko. Nakaupo ako sa kama. Samantalang si Acryl ay nilalagay ang mga damit ni Sammie sa aparador.
"Ang galing mo magsinungaling."
"Ginawa ko lang 'yon dahil parehas tayo makikinabang." Acryl
Tumayo ako at sumandal sa tabi ng aparador.
"Bakit pala ayaw nila ipaalam sa kaharian?"
Sinarado ni Acryl ang aparador.
"Hindi naman sa ayaw nila na bigyan ng matutuluyan ang isang tao. Ang ayaw nila ay ang isang katulad mo." Acryl
Ha? Alam ba nila ang tungkol kay Aera at Jae?
"Sa'kin?"
"I mean ayaw nila na may nakakapasok na babae na kasing-edad mo." Acryl
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...