Alice's POV
Kasalukuyang tinatahak ang daanan papunta sa bayan na tinutukoy ng Soro. Akala ko maglalakad pa ako papunta sa bayan pero mabuti na lang ay hindi umalis ang kabayo na ginamit sa karwahe.Akala ko kinain na rin ang kabayo pero mabuti na lang ay ginawan daw ni White Fox ang paraan para maligaw ang halimaw na gustong pumatay sa'kin.
'Malapit na tayo.' White Fox
Ayan na naman siya.
Nasa unahan siya dahil alam niya kung saan ang bayan. Nakasunod ako sa kan'ya habang nakasakay sa kabayo. Kanina pa siya tumatakbo at hindi ko man lang nakitaan na siya'y napagod.
Mabuti na lang ay hindi na mataas ang sikat ng araw. Base sa pinapakita ngayon ng kalangitan, malapit na sumapit ang gabi.
Hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay dahil hindi pa ako kumain simula kagabi.
Biglang lumiko si White Fox at mabuti na lang ay napansin ko. Pagkaliko namin, natatanaw ko na ang mga ilaw na parang nakasabit sa mga bahay.
"Makakapasok ba tayo?"
'Oo. Malaya ang mga tao na pumasok sa bayan na 'yan.' White Fox
Pagdating namin sa mataas na tarangkahan, huminto ang Soro kung kaya't ginaya ko na rin. Wala pa naman akong alam sa mga bayan na meron sa mundo na 'to.
'Iwanan mo ang kabayo sa gilid. Kailangan mo maglakad dahil baka isipin nila na nanggaling ka sa kaharian.' White Fox
"Ano naman?" Sabay baba sa kabayo.
Naglakad siya papunta sa mga puno kung kaya't hinila ko ang kabayo. Tinali ko ang kabayo sa malaking puno at mabuti na lang ay may mga tubig at damo sa tabi ng puno kung kaya't hindi siya magugutom at mauuhaw.
'Sa lahat ng bayan na mayro'n sa mundo na 'to, ni isa ay walang kakayahan na magkaroon ng kabayo. Bukod-tanging mga nasa kaharian lang ang pinapahintulutan kung kaya't tinuring nila na simbolo ng maharlika ang taong makikita nila na gumagamit ng kabayo.' White Fox
Nakakaurat naman. Imbes na maging prinsesa ako sa paningin nila kaso naging bato pa.
"Paano ang suot ko?"
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.
'Walang kakaiba sa kasuotan mo maliban sa kulay ng buhok mo. Kailangan mo takpan at huwag hahayaan na makita nila. Kahit hindi sila sakop ng pamilya mo, alam din nila ang tungkol sa inyo at lalo ka na dahil kakaiba ka sa kanila.' White Fox
Famous naman pala ako. Kaso baka puro negatibo lang ang alam nila sa'kin dahil sa kagagawan ni Alenia.
"Galit din ba sila sa'kin?"
'Hindi ako sigurado pero mas mabuti kung mag-ingat ka na lang at itago ang iyong pagkatao.' White Fox
Hindi na lang ako nagtanong ulit. Tinali ko ang mahabang buhok at inipit na lang dahil walang pantali. Mabuti na lang nakakita ako ng balabal na may sumbrero.
"Ready na ako." Sabay hawak ng mahigpit sa box.
'Nandito tayo ngayon sa Clopta na nag-iisang bayan na walang sinasamba na maharlika. Malaya sila sa gusto nilang gawin dahil walang pumipigil na mas nakakataas sa kanila.' White Fox
Pinanood ko ang mga tao na abala sa kanilang ginagawa. Nandito pa lang kami sa mga bahay na magkakadikit. Maganda naman tingnan at wala akong nakikita na basura.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...