Third Person POV
Matapos ang kaguluhan sa loob ng kaharian, bumalik sa dati ang lahat maliban sa mga namatay.Lahat ng katulong sa kaharian ay nilibing upang bigyan ng respeto para sa mga kabutihan na ginawa sa loob ng kaharian.
Wala nang natirang katulong, kaya't walang maninilbihan kay Ian.
Kasalukuyang nasa kuwarto ang dalawa. Ang unang bumagsak sa kanila ay si Aera dahil siya ang naghukay ng mga lupa para sa libingan ng mga bangkay. Pinapanood lamang siya ni Ian, kaya't masama ang kaniyang loob.
Panay salita si Aera sa tuwing maghuhukay ng lupa. Kulang na lamang ay isumpa ang prinsipe dahil hindi siya tinulungan.
Akala ni Aera ay magiging madali na lamang ang pananatili niya sa kaharian ni Ian. Tila magiging problemado siya dahil dalawa na lamang sila ang natirang buhay sa kaharian.
Walang tutulong kay Ian sa lahat ng bagay.
Matapos ilibing ang mga katulong, nagdabog si Aera at pumasok sa loob ng kaharian. Hindi niya nalaman na naabutan siya ng gabi, kaya't mas naging masama ang loob.
Nang pumasok si Aera sa loob, pinanood lamang siya ni Ian hanggang sa nakarating sa pangalawang palapag.
Dahil sa sama ng loob, hindi namalayan ni Aera na siya ay nakatulog.
Ang dahilan nito ay nasa loob lamang si Ian nang mapanood niya na nililibing ni Aera ang mga bangkay. Sa kadahilanang hindi siya makalabas dahil may barrier na nakapalibot sa kaharian.
Hindi alam ni Aera ang totoong dahilan, kaya't panay reklamo ang natanggap ng prinsipe ngunit balewala lamang sa kaniya.
Tila nasanay siya sa pagiging madaldal ng dalaga kahit isang araw lamang ang nakalipas.
Kasalukuyang natutulog si Aera habang humihilik. Nakatalikod ang dalaga sa prinsipe, kaya't hindi makikita ang mga laway na tumutulo.
Kung matulog si Aera ay parang hindi masasabing prinsesa. Magulo rin ang pagkakahiga nito sa kama.
Magkatabi silang natulog at iyon ay ang unang pagkakataon na may kasama si Ian sa kama.
Pagkasapit ng umaga, ang unang nagising ay ang prinsipe. Ang bumungad sa kaniya ay ang paghilik ng dalaga.
Tila bago lamang sa kaniya ang gano'ng sitwasyon. Naging alarm clock ang malakas na paghilik ng dalaga, kaya't si Ian ay maagang nagising.
Hindi pa man nakakabangon, biglang gumalaw si Aera at umikot hanggang sa magkaharap silang dalawa.
Sinampal ni Aera ang pisngi niya, nagulat sa pakiramdam na may dumampi sa kanyang balat habang patuloy siyang mahimbing na natutulog.
Si Ian ay nakatingin sa kanya at sinuri ang mukha ng dalaga. Magulo ang kanyang buhok at tila nabuhol-buhol sa kanyang pagiging malikot habang natutulog. Sa kanyang pagkakahiga, may tumutulong laway mula sa kanyang nakangangang bibig at ang tunog ng kanyang hilik ay parang nagpapagising sa mga namatay.
Walang emosyon na makikita sa prinsipe habang pinagmamasdan sa harap niya ang isang magandang dalaga na mahimbing ang pagkatulog.
Walang naramdaman na pagkairita ang prinsipe sa tuwing lumilipas ang bawat minuto habang pinagmamasdan ang mukha ni Aera. Unang beses pa lang naranasan ang maingay na bumungad sa kaniya sa umaga.
Hindi siya umasa na may pupuntang katulong dahil naalala niya ang nangyari kahapon. Hindi siya sanay na walang tutulong sa kaniya ngunit hindi apektado sa pagkawala ng mga katulong.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...