17

44 5 0
                                    


Alice's POV


Dahan-dahang bumangon habang nakahawak sa aking pisngi dahil tumama sa matigas na bagay.

Nang minulat ko ang aking mga mata, bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na paligid. Parang nasa loob ako ng kuwarto dahil sa pader na nakikita ko at sa malaking aparador na maganda ang pagkakaukit ng disenyo.

Hindi kaya nakabalik ako sa kaharian? Sana naman ito ang kuwarto ni Aera.

Sinuri ko ang buong sulok ng kuwarto hanggang sa tumigil ang aking paningin sa malaking kama.

"Ay guwapo!" Napatakip ng bibig dahil nasabi ko ng malakas.

May isang lalaki ang kasalukuyang nakahiga sa malaking kama. Nakabalot ng kumot ang kalahating katawan at nakalabas ang dalawang kamay.

Ngayon ko lang siya nakita. Base pa lang sa mukha niya, mukha siyang inosente pero baka kapag tulog lang.

Lumapit ako sa gilid ng kama habang sinusuri ang kaniyang mukha. Aminado na hindi ko magawang alisin ang paningin sa kanyang mukha dahil ang guwapo niya.

Siya ang literal na lalaking agad magkakamalaman na prinsipe.

Ang mukha ng lalaking ito ay may hugis oval, na nagbibigay ng maamo ngunit baka may tinatagong matapang na hitsura. Ang kanyang balat ay makinis at maputi, na nagpapakita ng aristokratikong kagandahan. Ang kanyang kilay ay makapal. Ang kanyang ilong ay matangos at ang kanyang labi ay manipis. Ang kanyang buhok ay kulay ginto at maayos, na nagdaragdag sa kanyang kagalang-galang na hitsura.

Sa maikling salita, ang guwapo niya.

Nang makita ko ang lalaking ito, muntik ko nang kalimutan na may boyfriend ako. Hindi pa naman kami break pero mas maganda kung sa kan'ya manggaling para matapos na.

Sino kaya ang lalaki na 'to?

Umupo ako sa gilid ng kama at sana'y hindi siya magising. Muling sinuri ang kabuuan ng kuwarto hanggang sa napagtantong halatang kuwarto ng isang prinsipe.

Kapareha lang sa kuwarto ni Aeris. Magara, maayos, malinis at kompleto ang mga gamit. Hindi katulad sa kuwarto ko na kama at aparador. Ang nakakasama pa ng loob, walang banyo.

Muling bumalik ang aking paningin sa lalaking natutulog. Kung si Alenia ang nakikita ko ngayon, sakalin ko na agad.

Base sa hitsura niya, parang malalim ang pagkakatulog. Hindi naman siguro patay ang lalaking 'to.

Para siyang Sleeping Beauty kaso lalaki naman 'to. Dapat ako ang nakahiga sa kama at ang lalaki na 'to ang hahalik sa'kin.

Lahat na lang ata ng disney princess ay pinagkait sa'kin.

Pwede na rin siguro isama si Alice kaso nababanas pa rin ako sa ulupong na rabbit. Imbes na malaglag sa secret passage ang isang katulad ko dahil sinundan ang rabbit kaso ang nangyari ay ginawa akong boomerang ng higanteng rabbit.

Si Cinderella na kusang kinuha ang sapatos dahil hindi kinuha ng pusang-gala.

Si Snow White na masyadong natuwa dahil sa kagandahan na nakita sa repleksyon. Sa sobrang natuwa, nginudngod na ang mukha sa salamin kaso tumagos lang sa sa---wait what?!

TUMAGOS AKO SA SALAMIN?!

Agad lumingon sa bawat sulok ng kuwarto ngunit wala akong nakitang salamin.

Shocks! Ngayon ko lang naalala ang nangyari. May tumama na malakas na hangin sa likod ko. Hindi ko alam kung balak lang ba ingudngod ang mukha ko sa salamin o sinadya na makapasok sa loob ng salamin.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon