Start

446 21 1
                                    


Alice's POV

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang bigla may pumasok na kalalakihan. Mayro'n silang hawak na armas kung kaya't natakot ang mga estudyante.

Pinaalis kami sa upuan at balak ipagsama sa isang sulok ng classroom.

Tila may hinahanap sila.

Malakas ang kutob na ako ang hinahanap nila.

Kilala ko ang pagmumukha nila. Minsan ko na rin nakalaban noong nagnakaw ako sa banko. Naalala ko na sila ang nauna pero sila ang nakulong at ako ang nakakuha ng pera. Kaya nakakapagtaka kung paano nila nalaman na nandito ako.

Sino kaya nagsabi sa kanila?

Napataas ako ng kilay nang tumingin ang isa sa kanila. Tinutok niya ang baril ngunit bago pumutok, kinuha ko ang lapis at binato papunta sa direksyon niya.

Tumalsik ang lalaki sa blackboard habang may nakabaon sa noo niya.

Nagsigawan ang mga estudyante dahil sa kanilang nasaksihan. Tila naging alerto ang mga armadong lalaki kung kaya't hinampas ko ng upuan ang isa sa kanila na malapit sa akin.

Kinuha ko ang baril niya at pinagbabaril ang mga armadong lalaki. Halos naubos ko agad ang mga kaaway ko.

Tinanggal ko ang dulo ng rifle na hawak ko at agad sinaksak sa bibig ng lalaki na natira.

Naglakad ako palabas ng classroom at hindi alintana sa akin ang mga sigawan nila.

Para silang bata na iniwan ng mga magulang.

Sumalubong sa akin ang tahimik na corridor. Imbes na lumabas ng school, dumiretso ako sa rooftop para magpahangin.

Ganito ang gawain ko sa tuwing nanggaling ako sa away. Kailangan ko magpahangin upang mawala ang aking galit sa dibdib.

Sinipa ko ang pinto nang malakas at bumungad sa akin ang mga gusali nakapalibot sa paaralan namin.

Makikita ko lahat ng mga gusali dahil nasa rooftop ako at ito ang advantage lalo na kapag susuriin kung nasaan ang mga kalaban.

"Alice..."

Natigilan ako nang makita ko ang isang lalaki na nasa dulo. Hindi ko napansin na may tao pala dito.

Bampira ba siya o sadyang distracted lang ako dahil sa magandang tanawin?

"Anong ginagawa mo dito?"

Humakbang siya papalapit sa akin na walang emosyon na makikita sa kaniyang mukha.

"Gusto ko lang makasiguro na buhay ka pa."

Hindi ko gusto ang presensya niya lalo na't kaaway ko ang kapatid niya.

"Buhay pa ako kung kaya't umalis kana." Tugon ko.

Huminto siya sa tapat ko. Mas matangkad siya sa akin ngunit hindi ako ang mag-aadjust sa kaniya para lang tingnan ko ang pagmumukha niya.

"Matanong ko lang. Sa dami na napatay mo, wala bang pagkakataon na may sumapi na konsensya sa'yo?" Alex

Ngumisi ako habang nakatingin sa ibang direksyon. Ayan na naman siya.

"Wala. May konsensya ako sa tuwing wala ako napapatay." Tugon ko.

Nararamdaman ko ang galit mula sa kaniya. Halatang gusto niya manakit dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago. No wonder lahat ng tao ay lumalayo sa'yo." Tugon niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Magsasalita sana ako ngunit may inabot na envelope.

"Ito na ang oras para malaman mo ang katotohanan." Saad niya at nilagpasan ako.

Nawala ang presensya niya kung kaya't binuksan ko ang envelope.

Naglalaman ito ng mga larawan.

Natigilan ako nang makita ko ang mga larawan.

Ilang sandali ay napaluhod ako nang makita ko ang pamilya ko.

Nanginginig ang aking mga kamay na tila gusto na ulit pumatay.

Hindi ma-process sa utak ko ang mga larawan na nakikita ko ngayon.

Tila bangungot para sa akin.

"H--Hay...op k...ka.." Saad ko habang nakatitig sa dalawang tao na tila bagong kasal.

Hindi ko aakalain na sarili kong pamilya ang magtataksil sa akin.

Pinunit ko ang mga larawan habang nagsisigaw sa galit.

Dahan-dahan ako tumayo at tumingin sa mga bituin.

Si ate na inampon lang ng mga magulang ko ay kinasal sa boyfriend ko.

Nasa ibang bansa ang boyfriend ko para ituloy ang negosyo na pinama sa kaniya. Nangako siya na babalik siya upang pakasalan ako.

Palagi niya sinasabi 'yon everytime magkausap kami. Ang nakakainis pa umeepal yung ampon kong kapatid everytime ka-video call ang boyfriend ko.

Ngayon ko lang na-realize na nag-uusap pala sila ng patago about sa marriage at harap-harapan pa talaga.

Ibig sabihin may something na talaga sa kanila.

Bumuntong hininga ako at balak umuwi para harapin sila.

Ngunit natigilan nang makita ko si Alex na siyang nag-abot ng envelope sa akin.

"May nakalimutan ako. " Saad niya.

Natigilan ako nang itutok niya ang baril sa akin. Imbes na depensa ang sarili, mas pinili ko na lang na titigan siya.

"I'm sorry, Alice. Napag-utusan lang ako." Alex.

Hindi pa man ako nakapagsalita, naramdaman ko agad ang pagbaon ng bala sa noo ko.

Bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Tila bumagal ang oras habang nakatitig ako sa bituin.

"Bawi ka na lang sa next life." Alex

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon