18

139 12 0
                                    


Alice's POV


Bumuntong-hininga habang nakatingin sa harapan. Wala na akong ginawa kundi ay mag-isip ng paraan para makabalik.

Kanina pa ako nandito sa tabi ng bintana. Nagtago ako sa likod ng makapal na kurtina para walang makakita sa akin.

Kanina pa ako nagtatago dito magmula nang mangyari ang kahihiyan na ginawa ko.

Hindi ko naman ginusto ko na hawakan ang ano niya.

Ang balak kong hawakan ay ang ilalim ng bathtub para makatayo kaso kusang gumalaw ata ang kamay ko, kaya't dumiretso sa makamandag.

Ang ginawa ko lang ay tumakbo hanggang sa makarating ako sa first floor. May kaunting katulong ang abala sa paglilinis, kaya't hindi nila ako napansin.

Gusto kong lumabas kaso may biglang dumating na lalaki, kaya't nagtago ako sa kurtina.

Nararamdaman ko na magtataka ang mga katulong dahil puro basa ang sahig. Tumutulo ba naman sa damit ko at sa sapatos na suot ko.

Nag-swimming ako nang wala sa oras, kaya't basang-basa ang damit ko at sapatos ko.

Paano ako makakaalis? Nakapasok ako sa salamin, kaya't kailangan ay maghanap ako ng salamin. Kung kinakailangan na i-untog ang aking sarili sa salamin para lang makabalik, gagawin ko.

Ang tanong, saan ako makakakita ng salamin?

Nakabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang mga tunog ng sapatos. Hinawi ko ang kurtina at nakita ko ang mga katulong na kasalukuyang bumababa sa hagdan. Nasa harapan nila si Ian na diretso lang ang tingin.

Nanlaki ang aking mga mata nang lumipat ang paningin niya sa akin, kaya't agad akong nagtago sa likod ng kurtina.

Hindi ko alam kung nakita niya ako o sadyang namamalik-mata lamang.

Wala naman siyang pakialam sa akin. Hindi nga siya interesado na malaman ang pagkatao, kaya't dedma na lang sa akin.

Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko pipilitin ang sarili ko sa lalaki na 'yan. Marami pa naman guwapo sa mundo na 'to. 

Isa na si Aeris kaso kapatid naman ni Aera. Hindi naman puwede si Krist kahit guwapo siya dahil kamukha niya si Alex. Hindi ko masisikmura na patulan ang lalaki na 'yon lalo na't kasalanan pa rin ni Alex, kaya't nakarating ako dito.

Kumusta na kaya ang lalaki na 'yon? Baka nagkakasayahan sila dahil nawala ang magandang katulad ko.

Bumuntong-hininga at pinilit na kalimutan ang mga bagay na hindi makakatulong ngayon. Muling hinawi ang kurtina at sumilip sa labas upang malaman kung nasaan si Ian.

Bukod-tanging katulong lamang ang nakita ko ngayon na abala sa paglilinis. 

Nasaan kaya si Ian? Kung nakita niya ako kanina, bakit hinayaan niya lang na nandito ako sa likod ng kurtina? 

Bakit parang nararamdaman ko na sobrang suplado ng prinsipe na 'yon?

Dinedma ba naman ang presensya ko.

Kung si Alenia ang kaharap ko, kanina pa ako pinapatay ng kapangyarihan.

Kung si Aeris naman ay puro landi lang ang gagawin sa akin pero gusto ko rin naman.

Kung si Krist naman, baka bigwasan ko lang 'yon.

Napagdesisyunan na lumabas sa likod ng makapal na kurtina habang ginagala ang paningin sa malawak na sala.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon