22

141 10 1
                                    

Alice's POV


Lumipas ang dalawang oras, napagdesisyunan ni Ian na bumangon sa kama. Nandito pa rin ako ngayon sa kama habang si Ian ay naliligo sa banyo.

Nababadtrip ako dahil hindi man lang naghubad sa harapan ko. Ginawa naman niya kahapon pero ngayon, daig pa niya ang may privacy.

Kasalukuyang nakatitig sa kisame habang hinihintay na matapos ang prinsipe. Gusto ko na rin maligo dahil kanina pa ako nangangati.

Idagdag mo pa ang kaliwang binti ko na namumula dahil sa panay kamot. Tinusok kasi ng lamok ang binti ko at hindi ko man lang naramdaman kung may pumasok o uminom siya ng dugo.

Akala ko naman, babalik na sa dati pagtapos kong lumabas sa portal. Bigla na naman hinatak ang kagandahan ko hanggang sa makabalik dito.

Hindi ko pa alam kung sino ang gumawa at kaninong kapangyarihan ang muntikan nang pumatay sa mga kasama ko.

Kumusta na kaya sila? Nasa kagubatan pa rin ba sila habang hinihintay na magkaroon ulit ng portal?

Sana naman ay bumalik ulit ang portal.

Napakamot ako nang wala sa oras nang maalala ko ang babae na kaharap namin kahapon.

May portal na sumulpot sa gilid niya. Balak pumasok pero pinigilan ko. Ang pagkakatanda ko, parehas na parehas ang portal na sumulpot sa gilid niya at ang portal na pinasok ko.

Ibig-sabihin, hindi malabong kaya niyang maglabas ng portal. Pwede akong humingi ng tulong para makabalik ulit at pag-agawan ng dalawang prinsipe.

Gusto ko siyang makausap pero naalala ko ang nangyari sa kaniya. Pinatay siya ni Ian, kaya't malabong makausap ang baliw na babae.

Bumangon ako sa kama upang kausapin si Ian ngunit hindi na kailangan pumasok sa banyo dahil saktong lumabas ang prinsipe.

Nang magtagpo ang aming mga paningin, ngumiti ako na parang naka-jack the pot.

"Gusto mo bang bihisan kita?"

Tinitigan niya lang ako, kaya't tumayo ako sa kama at pumunta sa aparador. Pagkabukas ng aparador, naghanap ng damit na pwede niyang suotin.

Habang naghahanap, napangisi ako dahil lumiwanag ang bumbilya sa utak ko.

Mas lalo akong pumasok sa loob habang nagpapanggap na naghahanap ng damit.

"Aaahh! Tulong!" Sigaw ko habang sinusubukan makaalis sa aparador.

Kapag hindi naging effective ang kalokohan ko, hindi na ako lalabas sa aparador.

"Ian, tulungan mo ako! May halimaw sa loob ng aparador!" Sigaw ko habang umiiyak at sinusubukan makaalis sa aparador.

Napangisi ako nang may humawak sa baywang ko. Gumalaw agad ang kalandian ko, kaya't yumakap sa kaniya kahit naka-bathrobe lang siya.

"May halimaw sa loob! Kinagat niya ako sa hita!" Sumbong ko kay Ian habang nakayakap ng mahigpit.

"Umalis ka." Ian

Luh? Ang sakit mo talaga. Grabe ang pagiging sweet ng lalaki na 'to. Kung sina Jae at Aeris lang ang kaharap ko, baka nag-away pa sila bago malaman kung sino ang makakayakap ko at ang makakapatay sa halimaw.

"Ayoko! Natatakot ako!"

Naramdaman ko na parang pinipilit tanggalin ni Ian ang mga kamay ko. Sinubukan kong higpitan pa ang pagkakayakap ngunit nagpumilit din siya, kaya't binitawan ko na.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon