Third Person ViewSa isang kaharian na kung tawagin ay "Aerithos Kingdom." May kakayahan sila na gumamit ng Wind Power sa iba't ibang paraan. Nakapaloob sa kanila ang dalawang bayan.
Ngayon araw ang huling bakasyon ng mga estudyante na nag-aaral sa akademya. Kasabay nito ang kaarawan ng prinsesa na pangalawa at namumuno sa kaharian ay ang hari at reyna na may tatlong anak.
Kasalakuyang naghahanda ang kanilang kasambahay para sa magarbong kaarawan ng prinsesa.
Gaganapin ito pagsapit ng alas-sais ng gabi.
Limitado lamang ang mga bisita sa kaarawan. Bukod-tanging nasasakupan lamang ang imbitado pati na rin ang mga importanteng tao.
Habang abala ang mga tao sa paghahanda, may isang fox na sumulpot sa tapat ng isang kuwarto.
Kulay-puti ito na tila ordinaryong fox lang.
Tumingin ito sa paligid bago tumagos sa pintuan.
Pagpasok niya, bumungad ang isang maliit na kuwarto na naglalaman ng isang kama at closet.
Napataas ng kilay ang fox dahil hindi siya sigurado kung tama ba ang pinasukan niya.
Sa unang tingin pa lang ay parang kuwarto ng isang katulong. Ordinaryo lang ang kama na tila malayo sa kama ng isang prinsesa.
Imbes na maganda ang disenyo ng closet, tila gawa ito sa kahoy na hindi man lang naisipan na lagyan ng pintura.
Binalewala ng fox ang itsura ng kuwarto. Umakyat siya sa kama at bumungad sa kaniya ang mukha ng babae.
Mas lalo siya napapikit sa inis dahil imbes na maamong mukha ang makikita niya, tila hindi babae kung matulog. Nakanganga ito habang tumutulo ang laway. Magulo ang buhok na tila sampung taon hindi nagsuklay.
Hindi niya aakalain na tama ang sinabi ng mga tao tungkol sa babae na kaharap niya ngayon.
Napabuga siya ng hangin at sinampal ang mukha ng babae gamit ang kaniyang buntot.
Nawala na parang bula ang fox at saktong nagising ang babae.
Alice's POV
Hindi ko akalain na mauuwi lang sa walang kwentang rason ang magiging kamatayan ko. Sa dami na nakaaway ko may armas man o wala, hindi ako natatalo.
Hindi ko alam kung sinadya ko ba na patayin na lang ako dahil sa mga nalaman ko o sadyang may nakatalo na sa akin.
Gusto ko na magpahinga at kahit dalhin ako sa mainit na lugar, wala akong pakialam. Baka kapag napatay ko pa ang sarili kong pamilya, matatakot ang d*monyo dahil baka mawalan siya ng puwesto.
Akala ko matatahimik na ang buhay ko pero ito nasa harap ng isang babae.
Napapalibutan siya ng liwanag at hindi naman siya anghel dahil walang pakpak.
Mahaba ang buhok at napansin ko may hangin na nakapalibot sa kaniya kaya siya nakalutang.
Ganito ba kapag namatay? Makakakita ng babae na nakalutang at titigan lang magdamag?
Kausapin ko kaya?
Kung siya ang kapatid kong ampon, hindi ako magdadalawang-isip na sampalin siya.
Hatakin ko buhok tapos gupitin ko o kaya kalbuhin ko.
Ang dami ko naisip na paraan para makaganti sa kaniya kaso magagawa ko ba?
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...