13

36 8 2
                                    


Alice's POV


Pagsapit ng umaga, hindi pa man nakabangon ay naramdaman ko na agad ang pananakit ng katawan ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ganito rin naramdaman ko nang makipagpatayan sa mga kaaway pero mas malala ngayon dahil magdamag ba naman nag-ensayo at nag-ehersisyo.

Hindi pa rin makatarungan ang pag-ensayo dahil hangin pa rin ang kalaban ko. Magiging walang kwenta dahil hindi naman halimaw ang nakasanayan ko na nakalaban.

Kahit ayoko pa bumangon, pinilit ko pa rin ang sarili ko hanggang sa nakayanan ko na sumandal.

Ang galing naman. Base sa sitwasyon ko, daig pa ako ng pilay. Sa palagay ko, hindi ako makakalakad at kapag isang hakbang pa lang, panigurado babagsak ang katawan ko.

'Kumusta?'

Ang aga naman mang-asar.

"Ito, isang ubo na lang."

'Isang beses lang 'yan. Sa oras na tinuloy mo pa ang pag-eensayo sa loob ng tatlong buwan, hindi malabo na makakapasok ka sa pagsusulit at mas lalakas ang pangangatawan ni Aera.'

Ang dami mo naman sinabi. Alangan naman maging mahina pa rin ang katawan na 'to.

"Baka naman pwede ako gumamit ng dummy para naman masanay rin ang katawan ko. Hindi naman hangin ang magiging kalaban ko. Baka pwede mo gawan ng paraan, Santa."

'Mangyayari ang pinuputok ng butse mo. Gusto ko lang makita na kung paano ka mag-ensayo kapag wala pang kalaban.'

Ang daming arte naman nito.

"Ang sabihin mo ay gusto mo lang makita kung paano ako magsayang ng oras."

'Nakatulong sa'yo ang ginawa mo kahapon.'

"Tama ka. Nakatulong sa'kin kung kaya't heto, hindi na ako makalakad. Baka pwede kang gumawa ng paraan para mawala ang pagdurusa ko dito?"

'Nope. Kailangan mo sanayin na magkaroon ng pananakit sa katawan. Kailangan mo maranasan ang mga paghihirap bago makamtan ang ninanais.'

"Ayan ka na naman sa mga wisdom words mo. Bukod sa nakakadagdag ng sipag, binibigyan mo pa ako ng sakit sa ulo. Alam ko na 'yan. Hindi naman siguro utak talangka ang mayro'n kay Aera."

'Puro ka na lang reklamo. Nakakabawas 'yan sa paghihirap mo.'

"May karapatan ako dahil hindi naman ikaw ang nahihirapan."

'Malamang. Ikaw ang gagawa ng misyon.'

"Kapag ako nainis, hindi ko gagawin ang misyon na 'yan. Bahala ka makipagbakbakan sa halimaw."

'Hindi ka rin makakauwi. Bahala ka magdusa sa mga taong nakapaligid sa'yo lalo na si Alenia.'

Binanggit na naman ang pangalan ng babaita na 'yan. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, kahit umabot sa punto na pilay ako, mapipilitan ako na maglakad para lang hambalusin ang babae na 'yan.

"Ayos lang kung dito ako matigok basta mauna si Alenia kesa sa'kin."

Napailing ang pusa at bumaba sa bintana. Naglakad siya papunta sa pinto at bago pa man makalapit, biglang bumukas ang pinto.

"Sayang. Hindi man lang natamaan."

Dinilaan ako ng pusa at lumabas sa kuwarto. Tuluyang pumasok si Acryl at may dalang tray.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon