Third Person POV
Pagdating nila sa auditorium, kaunti pa lang ang pumunta. Sinalubong ni Hiraya si Jae at nakatanggap ng halik sa labi.
"Saan tayo uupo?" Storm
Akmang aalis si Eria ngunit hinila siya ni Aeris.
"Ano ba?!" Eria
Napakamot sila Storm dahil mukhang mag-aaway na naman ang dalawa.
"Saan ka pupunta?" Aeris
"Wala ka nang pakialam. Bitawan mo nga ako!" Eria
Nagpumiglas si Eria ngunit hindi pa rin siya binitawan ni Aeris.
Agad naman lumapit sila Storm dahil nakakahatak na ng atensyon ang dalawa.
"Aeris, pinagsabihan na kayo ni Headmaster. Baka mas malala ang parusa sa inyo." Storm
Habang inaawat nila Storm ang dalawa, nahagip naman ni Alenia ang kan'yang paningin sa kuya niya.
"Anong mayro'n sa kanilang dalawa?" Alenia
"Hayaan mo na." Krist
Sumandal si Alenia sa balikat ni Krist habang magkahawak ang kamay.
Samantala, ilang beses sinisipa ni Eria ang prinsipe ngunit umiilag lang si Aeris.
"Tumigil na kayong dalawa. Hayaan mo na lang si Eria." Thod
Nakaramdam ng pagkahilo si Eria kung kaya't tumigil siya at napahawak sa ulo.
"Sinasabi ko na nga ba." Aeris
Akmang bubuhatin si Eria ngunit umatras ang dalaga.
"G..Gusto kong manood." Eria
Bumuntong-hininga si Aeris at sabay hila sa dalaga. Dumiretso sila sa pinakagitnang bahagi na kung saan nakaupo ang mga maharlika.
Umupo sila Aeris sa pangalawang hanay na nasa likod lang nila Alenia.
Nang makaupo si Eria, niyakap siya ni Aeris. Nakasandal siya sa dibdib ni Aeris habang nilalabanan ang pagkahilo.
"Ang taas ng lagnat niya." Storm
"Mas mabuti kung magpahinga siya sa dorm." Thod
Sakto naman dumating ang iba pang estudyante. Sunod-sunod sila sa pagdating at pinupuno ang auditorium.
"Bawal na ata, Aeris. Nandiyan na si Headmaster." Storm
Dinikit ni Aeris ang kamay niya sa leeg ni Eria. Nakumpirma na mataas ang lagnat kung kaya't kinakailangan dalhin sa Infirmary.
Akmang bubuhatin niya si Eria ngunit umiling ang dalaga. Ayaw niya umalis dahil gusto niya manood sa pagsusulit. Sa kadahilanan na nagbabakasali na sumali si Aera sa pagsusulit.
"Huwag na matigas ang ulo." Aeris
"Ayoko nga!" Eria
Napalingon ang ibang estudyante na malapit lang sa kanila.
"Kuya, nandito ka na pala." Alenia
Tumango si Aeris ngunit nakapokus pa rin kay Eria.
"Anong nangyari sa kan'ya?" Alenia
"Mataas ang lagnat." Storm
Nakapikit si Eria habang nakasandal sa dibdib ni Aeris.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...