15

142 9 1
                                    


Third Person POV


Habang naghihintay sila Storm sa muling pagdating ni Headmaster, napatingin si Thod sa tatlong tao na naglalakad at papunta sa kanila. Umubo si Thod ng ilang beses upang makuha ang atensyon ng mga kasama niya.

Napalingon sina Jaime at Storm sa direksyon ni Thod.

"May sakit ka?" Storm

Natigilan si Thod at tinaasan ng kilay ang kaniyang kaibigan. Agad niyang tinuro ang tatlong tao na papunta sa kanila. Lumingon naman ang dalawa at nakita rin ang tatlong estudyante.

"Mahal!" Hiraya

Hindi na rin kailangan pang sabihan ni Jaime ang prinsipe dahil ang dalaga mismo ang tumawag sa pangalan ni Jae. Niyakap ni Hiraya ang prinsipe at tila balak magpalambing.

"Akala mo ay hindi nagkita sa loob ng isang taon." Storm

Siniko siya ni Jaime upang manahimik at hindi gumawa ng problema. Samantala, lumapit si Alenia sa kuya niya habang si Krist naman ay nakatayo sa tabi ng puno.

"Saan kayo pupunta?" Alenia

Akmang aalis si Eria ngunit pinigilan siya ni Aeris sa pamamagitan ng paghawak sa kan'yang kamay.

"May binigay na misyon si Headmaster na para sa'min." Aeris

"Bakit kasama ang babaeng 'to?" Tanong ni Alenia at tinuro si Eria.

Gustong sagutin ni Eria sa paraan na maiinis ang prinsesa ngunit napagdesisyunan na manahimik upang hindi magkaroon ng gulo.

"Binigyan siya ng parusa at 'yon ay kasama siya sa misyon. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Aeris

"Gusto ko pumunta dito sa hardin ngunit hindi ko inaasahang nandito pala kayo. Hindi mo naman sinabi na mayro'n misyon na binigay sa inyo." Alenia

"Hindi na kailangan. Mukhang abala ka sa ibang bagay." Tugon ni Aeris at sumulyap sa direksyon ni Krist.

"Galit ka pa rin ba kay Krist?" Alenia

Bumalik ang paningin ni Aeris sa prinsesa. Nabasa niya ang nais ipahiwatig ng emosyon sa mukha ni Alenia ngunit hindi siya apektado dahil hindi pa rin nawawala ang galit sa kan'yang dibdib.

"Ayoko na pag-usapan ang walang kwentang bagay." Aeris

"Paano ako magiging masaya kung galit ka pa rin sa kan'ya? Mananatili ba ang galit sa iyong dibdib sa oras na sumapit ang kasal namin?" Alenia

Hindi sumagot si Aeris at umiwas ng tingin. Samantala, inalis ni Eria ang kamay ng prinsipe at tumayo habang nakatingin sa prinsesa. Tila hindi nagpatalo si Alenia sa dalaga at tumitig din sa mga mata ni Eria.

"May problema ka ba sa'kin?" Alenia

"Bakit hindi mo tanungin sa sarili mo?" Eria

Nakaramdam ng kakaibang tensyon si Aeris nang makita niya na magkaharap ang dalawang babae. Tumayo siya at hinarangan si Alenia para makuha niya ang atensyon.

"Bumalik ka na sa loob." Aeris

"Ayoko. Hindi pa kami tapos mag-usap. Mukhang may problema sa'kin ang babae na 'yan." Alenia

"Makinig ka sa'kin. Kapag sinabi kong bumalik ka sa loob, gawin mo na ngayon." Aeris

Kahit ayaw pa ni Alenia, sa huli, tinalikuran niya ang dalawa at lumapit sa kan'yang kasintahan. Samantala, umikot si Aeris hanggang sa magkaharap sila ni Eria.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon