Alice's POVKusang nagising ang aking diwa dahil sa mabigat na nakapatong sa katawan ko. Nanatiling nakapikit ngunit naramdaman ko ang mabigat sa ibabaw ng katawan ko sa tuwing humihinga.
Nag-unat ng dalawang kamay habang nakataas. Sa kalagitnaan nito, naramdaman kong may gumalaw sa leeg ko.
Dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Ang unang bumungad ay ang madilim na paligid. Akala ko ay nabulag na ako pero napansin ko ang kaunting liwanag na pumasok sa loob.
Hindi malabo na nakarating na sa kaharian at mukhang nasa kuwarto ako.
"Ian?"
Hindi ko makita ang nagpapahirap sa paghinga ko, kaya't kinapa ko na lamang. Ang una kong nahawakan ay ang katawan nito. Patuloy lamang sa paggapang hanggang sa may nahawakan na buhok.
Napag-alaman na tao pala ang nakahiga sa ibabaw ko habang nakayakap sa akin.
"Ikaw ba 'yan, Ian?" Habang kinakapa ang kaniyang buhok.
Baka mamaya, ibang buhok pala ang hinahawakan ko. Sinubukan kong hawakan ang mukha niya ngunit parang nakasubsob.
"Ian, gumising ka na." Tinapik ko ang balikat niya upang magising ang dakilang sleeping beauty.
Gumalaw si Ian, kaya't nangangahulugang nagising na siya.
Sa kasamaang-palad, nagkamali na naman ako. Napataas ako ng kilay dahil sinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko, kaya't naramdaman ko ang hangin na dumadampi sa balat ko.
"Iihh-yaaaaaan!" Muling pagtawag ko sa pangalan niya habang hinihila ang buhok niya ngunit mahina lamang.
"A..Ano?" Ian
"Umalis ka." Paborito niyang linyahan sa tuwing gusto siyang layuan ng kalandian ko.
"Ayaw ko." Ian
Luh? Ang duga naman nito. Dapat effective sa kaniya dahil sumusunod naman ako kapag pinapaalis niya ako.
"Sumapit na ang gabi. Magluluto ako ng makakain natin."
"Bukas na." Ian
Nagugutom na ako. Hindi maaaring maghintay ng panibagong araw para makapagluto.
"Bawal ka magpalipas ng gutom."
Hindi nagsalita si Ian, kaya't kinurot ko ang kaniyang pisngi.
"Umalis ka." Saad ko habang kinukurot ang kan'yang pisngi.
"Aray! Siraulo ka!" Pinunasan ko ang aking daliri sa damit ko dahil bigla na lang kinagat ni Ian.
"Matulog ka na." Ian
"Anong matulog? Kakagising ko lang."
Hindi nagsalita si Ian, kaya't bumuntong-hininga ang isang magandang katulad ko.
Ano ba ang pwede kong gawin para umalis siya sa ibabaw ko?
"Anong full name mo, Ian?" Tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
"Ian." Siya
Ang galing mo naman pala. Sana ay ipagpatuloy mo lang para sumabog na ang pasensya ko sa'yo.
"Full name nga. Ibig-sabihin ay buong pangalan."
"Ian Ace." Siya
Huhulaan ko na naman ba? Apelyido ba 'yon o pangalawang pangalan?
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...