Third Person POV
Nang tuluyan makita ni Aera ang mukha ng kasintahan ni Alenia, hindi nagdalawang-isip na bumalik at sugurin ang prinsipe.
Tila hindi inaasahan ng mga katulong kung kaya't nakawala sa kanila ang prinsesa.
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw para sa 18th roses ni Alenia, isang boses ng babae ang siyang kumuha ng lahat ng atensyon.
"ALEX!" Aera
Tumigil ang dalawa at tumingin sa babae. Tumayo naman ang mag-asawa habang nakatingin sa anak nila na tila may galit. Samantala, nagbulungan ang mga tao dahil hindi nila aakalain na muling masisilayan ang isa pang prinsesa.
"Hindi ba't si Aera 'yan?" Tanong ni Thod sa kaibigan niya.
Tumango lang ang kaibigan niya na si Storm habang nakatingin kay Aera. Hindi niya aakalain na muling masisilayan ang prinsesa.
"Akala ko ba patay na ang kapatid mo?" Bulong ni Jaime
Napataas ng kilay ang prinsipe at lumingon sa isang babae na nagpatigil sa kan'ya.
"Buhay siya?" Tanong ni Aeris at lumingon sa mga magulang niya.
Samantala, habang naglalakad si Aera palapit sa dalawa, hindi maalis ang kan'yang matalim na tingin sa prinsipe na si Krist.
Nang makalapit siya, tinulak ni Aera si Alenia at agad sinuntok si Krist sa mukha.
Napasigaw ang iilan, natulala ang karamihan at ang iba ay hindi makaniwala sa kanilang nasaksihan.
Nakatingin sila ngayon kay Krist na napaupo sa damuhan habang dumudugo ang ilong.
"Hayop ka! Papatayin kita!" Sigaw ni Aera sabay upo sa tiyan ng prinsipe at pinagsusuntok.
Imbes na gamitan niya ng kapangyarihan ang prinsesa, ginamit na lang ang dalawang kamay upang gawing panangga sa kamao ni Aera.
Agad lumapit ang mga lalaki upang awatin si Aera. Sinubukan nila na alisin si Aera sa ibabaw ni Krist ngunit ang iba sa kanila ay sinuntok sa sikmura at kinagat ang kamay.
"Kasalanan mo ang lahat! Hayop ka! Ang lakas ng loob mo na magpakita pa!" Sigaw ni Aera at muling sinuntok si Krist.
Lumapit si Alenia at hinila ang buhok ni Aera ngunit kinagat ang kamay niya kung kaya't si Alenia ay napasigaw. Agad siyang nilapitan ng dalawang lalaki.
"Tama na!" Aeris
Hinawakan ni Aeris ang dalawang kamay ni Aera ngunit pinagsisipa naman si Krist kung kaya't binuhat ni Aeris at nilayo sa prinsipe.
"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo para magpakita! Matapos mo akong barilin sa noo, taas-noo kang nagpakitang gilas sa mga tao! Saan ka nakakuha ng kapal na mukha?!" Aera
Tinulungan ng mga lalaki ang prinsipe na si Krist at nag-abot ng panyo upang mapunasan ang ilong.
"Bakit mo sinaktan ang anak namin?!" Reyna Clarisa
"Anak mo 'yan?!" Aera
"Oo! May problema ka ba?! Baka nakakalimutan mo kung sino ang binabangga mo!" Reyna Clarisa
"Oo! Malaki ang problema ko! Iyang anak mong g'go ay pinatay ako! Hindi na ako magtataka kung bakit nakaaway ko ang anak mong lukaret dahil nasa dugo niyo ang pagiging demonyo!" Aera
Hindi maintindihan ng mga tao lalo na ang pamilya ni Krist sa sinabi ni Aera.
"Anong pinagsasabi mo, Aera?! Hindi ba't nahulog ka sa bangin?!" Aeris
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...