16

43 5 0
                                    


Alice's POV


"Maawa ka sa'kin!" Sinubukan kong makaalis ngunit nahirapan ako dahil kinagat niya ang damit ko.

"Aaaahhh! Ayoko na!" Sinusuntok ko siya sa bunganga para magalit sa'kin at makalaya. Kahit ibato niya ako sa malayong lugar, ayos lang basta makaalis sa dambuhala na 'to.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad at kanina pa ako binabalewala ng hinayupak na 'to.

"Pre, hindi ko sinasadya ko na ibato ang ahas sa'yo dahil hindi ko naman nakita ko kayo sa gitna ng daanan." Saad ko habang nakatingala.

Tiningnan niya ako ng masama kung kaya't nginitian ko siya. Nainis siya dahil hindi naman ako sincere sa paghingi ng tawad.

Ang aking kalahating kaluluwa ay mataas ang pride at sa kalahati naman ay nagpapakumbaba.

Nandito pa rin ako sa kagubatan at kasalukuyang binubuhat ng dambuhalang rabbit sa pamamagitan ng pagkagat sa damit ko. Nakalutang ako sa ere habang naglalakad siya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero panigurado'y gagawa ng paraan para lang maghiganti sa'kin.

Pagtapos tumama sa mukha niya ang ahas na ginawa kong lubid, hinabol niya ako hanggang sa nahuli. Akala ko ay papatayin niya ako ngunit binuhat lang ang katawan ko gamit ang ngipin niya at nag-umpisa sa paglalakad.

"Nakikinig ka ba? Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako?"

Diretso lang ang tingin niya at patuloy pa rin sa paglalakad. Malapit lang sa'kin ang dalawang malaking tainga kung kaya't inabot ko ang kaliwang-tainga.

Pumasok ako sa loob pero hindi sa mismong loob ng tainga dahil baka puro tutuli.

"Hello?! Paging kay higanteng rabbit! Can you he--Aaah!" Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil biglang hinila ang damit ko kung kaya't napa-swing ang katawan sa ere.

Magkaharap na naman kami ng dambuhalang rabbit.

"Ayaw mo kasi pakinggan ang mga sinabi ko. Aminado ako na may nagawa akong kasalanan kung kaya't ibaba mo na ako. Pwedeng idaan sa magandang usapan." Saad ko with action pa.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sasaktan mo ba ako?"

Umiling siya kung kaya't nag-swing ulit ang katawan ko dahil nakaipit sa ngipin niya ang aking damit.

"Saan mo ako dadalhin?"

Hindi siya sumagot at muling tumingin sa harapan. Hindi ko na lang ginulo at mas piniling manahimik.

Tumingin na lang din ako sa harapan. Ako'y natigilan dahil nakikita ko ang malaking lawa.

Nanlaki ang aking mga mata dahil patuloy pa rin sa paglalakad ang malaking rabbit papunta sa lawa.

Humarap ako sa siraulong rabbit.

"I-PRENO MO!" Sigaw ko habang kumakaway para makuha ang atensyon niya.

Hindi na naman nakinig kung kaya't sinubukan abutin ang tainga ngunit nilayo na naman.

"TUMIGIL KA NA! KAPAG HINDI KA HUMINTO, MABABANGGA TAYO!"

Patuloy pa rin siya kung kaya't lumingon ako sa likod. Ilang hakbang na lamang ay pwede na kami malaglag sa lawa.

"AAAAAHH! HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!" Sigaw ko at pumikit na lamang.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon