Alice's POV
"Malapit na ba?"Kanina pa kami naglalakad at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Sabi niya may alam siya na bahay pero hindi na ginagamit.
'Malapit na.' White Fox
"Ayan ka na naman! Kanina pa 'yang malapit na! Kung malapit na, dapat nakikita ko na."
Kung tutuusin, ilang minuto na kami naglalakad. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko dahil nagugutom na ako.
'Manahimik ka na lang para makarating tayo ng maaga.' White Fox
Nakakainis naman 'to.
Nanahimik na lang ako kesa makipagsagutan pa sa Soro na 'to.
Mahigit kalahating oras na kami naglalakad. Kahit alam kong hindi pa malapit, hindi na lang ako nagsalita. Nagpipigil lang ako sa inis dahil inabot ng kalahating oras para lang makapunta sa abandonadong bahay na malapit lang daw.
'Nandito na tayo.' White Fox
Tumigil ako habang nakatingin sa maliit na bahay. May mga puno na lumaki sa loob ng bahay.
"Kaninong bahay 'to?" Lumapit ako aa bintana at sinubukan sumilip sa loob.
May nakikita ako sa loob na upuan pero 'yon lang dahil malabo ang salamin ng bintana at madilim sa loob.
'Hindi ko alam. Mahigit tatlong taon na ang nakalipas magmula nang iwanan ang bahay na 'to.' White Fox
Lumapit ako sa pinto. Mabuti na lang ay nabuksan ko. Bumungad sa'min ang mabaho na parang ilang dekada ang amoy.
Napaubo ako at napaatras dahil hindi ko kinaya ang amoy.
"Ang tindi ng amoy parang katulad sa ate kong ampon!" Pinaypay ang amoy na lumalapit sa'kin.
'Huwag ka na maging maarte. Pumasok ka na sa loob.' White Fox
Hindi ba siya nakakaamoy? Kung umasta parang kaya niya amuyin ang mabaho sa loob.
"Hindi ako papayag na matulog sa bahay na 'yan. Nakita mo naman na may tumubong puno sa loob. Baka kapre na ang nakatira diyan."
'Maghanap ka ng damit para naman hindi ka na mag-inarte mamaya.' White Fox
Akala ko naman sa loob matutulog.
Nagpunit ako ng tela sa damit ko para takpan ang ilong at bibig ko. Baka isang segundo lang ang kakayanin ko kapag pumasok na walang takip sa ilong.
Nakakamatay ba naman ang amoy.
Nang maayos ko ang pagtakip sa kalahating mukha, agad akong pumasok sa loob. Sa tuwing humihinga ako, hindi ko maamoy ang mabaho sa loob ng bahay.
"Wala akong makita!"
Kaunting liwanag lang ang pumasok sa loob ng bahay. Bukod-tanging katapat lang ng pinto ang nakita ko.
Napaatras ako dahil nabasag ang salamin ng bintana. Kasunod nito ay ang pagpasok ng liwanag sa loob.
'Siguro naman nakikita mo na ang ibang sulok.' White Fox
Siya pala ang gumawa no'n.
"Kung pumasok ka kaya dito?! Baka nagpaplano ka na ikulong ako dito, ha! Sapakin kita!"
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...