Alice's POV
Nang hawakan ko ang kamay niya, dahan-dahan kong hinila dahil nagbabakasakali na makalabas si Ian.
Habang dahan-dahang hinihila ang kamay niya, hinihintay ko na may mangyari habang nakatingin sa mga mata niya.
Nanatiling nakatitig sa mga mata niya habang umaatras. Saka lang nakabalik sa wisyo nang makita kong tumama ang liwanag sa mukha niya.
Parehas kaming natigilan habang magkahawak ng kamay.
"N..Nakalabas ka na?"
Lumingon si Ian sa likuran bago bumalik sa kagandahan ko.
"Oo." Ian
"Aaah! I'm so proud of you!" Sigaw ko at sabay niyakap ang prinsipe.
Agad akong humiwalay sa kaniya dahil hindi ko na hinintay na yakapin niya rin ako.
"Ano ang pakiramdam na nakalabas ka sa kaharian?"
"Wala." Ian
Halata naman sa mukha mo. Alangan naman masaya ka pero hindi man lang ngumiti.
"Magpasyal tayo sa labas ng kaharian. May alam ka bang lugar na magandang puntahan?"
Umiling si Ian. Nakalimutan ko na nakakulong pala siya ng matagal bago ako dumating sa buhay niya.
"Subukan mo nga pumasok sa loob." Utos ko sa kaniya.
Naglakad siya papunta sa loob ng kaharian. Wala naman nangyari nang tumigil siya sa pinto.
"Subukan mo lumabas."
Malay natin nawala ang barrier dahil nakalabas na siya.
Naglakad si Ian papalapit sa akin. Wala pang sampung hakbang ay nauntog siya at napaatras habang nakahawak sa noo nito.
Nakita ko kung paano sumulpot ang barrier na parang salamin nang mauntog si Ian. Kumpirmadong may barrier na nakaharang sa kaharian.
"Bakit nakalabas ka kanina?" Tanong ko at lumapit sa kaniya.
Inalis ko ang kamay niya at ako ang naghaplos sa kaniyang noo. Kawawa naman ang prinsipe dahil nauntog sa batrier. Ang cute pa naman niya kanina dahil wala man lang reaksyon.
"Hindi ko alam." Ian
Palagi ka na lang walang alam.
Bumuntong-hininga at sabay hinawakan ang kaniyang kamay. Muling naglakad papalayo sa pinto habang hawak ang kaniyang kamay. Hindi ako huminto hanggang sa nakarating kami sa hardin.
Paglingon ko, napangiti ako nang makita ko kung gaano ka-inosente ang kaniyang mukha. Para siyang bata na ngayon lang nakalabas.
Para bang ngayon niya lang nakita ang totoong mundo.
"Bakit nakalabas ka?"
Ang gulo talaga. Nalilito na rin ang utak ko na palaging maluwang ang turnilyo.
"Dahil sa'yo." Ian
Napanganga ako habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o talagang seryoso sa sinabi niya.
"Sabi ko na nga ba mahal mo na ako!" Saad ko at niyakap siya ng mahigpit.
Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay sa likod para nakayakap siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...