Third Person POV
Pagsapit ng umaga na kung saan ay araw ng sabado, kasalukuyang nagbabasa si Eria ng libro sa maliit na balkonahe. Wala silang pasok ngayon kung kaya't maraming estudyante ang nakatambay sa ground field.Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni Eria, biglang tumunog ang speaker.
"Attention to the following students: Ms. Eria Tan and Ms. Elodia Gildeo. Please proceed to the Headmaster's Office."
Bumuntong-hininga si Eria at sinarado ang libro. Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa sinabi ng lalaki mula sa speaker.
Binagsak ang libro sa kama at lumabas sa kuwarto. Paglabas niya sa dormitoryo, agaw-atensyon na agad ang bumungad sa kan'ya. Hindi na bago ang mga pagtrato sa kan'ya dahil kilala siya sa pagiging kaibigan ni Aera.
"Malandi!"
"Epal!"
"Feeling main character!"
"Attention seeker sa prinsipe!"
Hindi nagpa-apekto ang dalaga at binalewala ang mga aso na tumatahol. Nasanay siya sa mga nilalang na walang ibang ginawa kundi pakialaman ang buhay ng ibang tao.
Pagsakay niya sa elevator, hindi niya inaasahan ang isang babae na nakita niya kahapon sa Cafeteria. Ngumiti ang babae kung kaya't gumanti rin si Eria. Umandar na ang elevator at sila lang ang nasa loob.
"Kumusta na ang kaibigan mo?" Panimula ni Eria
"Maayos na ang kalagayan niya. Mabuti na lamang ay binigyan ng gamot para maagapan ang mga sugat sa katawan niya." Elodia
Napatango si Eria habang nakatingin lang sa mga numero na nagkakaroon ng ilaw sa tuwing pumupunta sa bawat palapag.
"Pasensya na kung itatanong ko 'to. Gano'n ba talaga ang kulay ng buhok niya?" Eria
"Oo ngunit base lamang sa sinabi niya. Nabanggit niya sa'min na hindi lamang siya ang may gano'ng klaseng buhok. Kaparehas niya ang mga kapatid niya." Elodia
Tila naging malinaw na kay Eria na normal lamang ang magkaroon ng puting buhok.
"Magtatanong din sana ako. Bakit gano'n na lamang ang pinakita ng mga estudyante sa kaibigan ko? Parang tinuturing na malas at sinasabihan pa na salot sa akademya. May nangyari na ba bago kami dumating dito?" Elodia
"May isang klaseng nakaraan na kailanma'y hindi makakalimutan ng mga estudyante. Tungkol 'yon sa isang babae na nagngangalang Aera na siyang tunay kong kaibigan." Eria
Natigilan si Elodia dahil hindi niya inaasahan na kasama niya ngayon ang malapit na kaibigan ni Aera.
"Hindi ko intensyon na makisali sa isyu ngayon. Gusto ko lang magkaroon ng ideya dahil pati kami ay naguguluhan sa mga kinikilos nila at pagtrato sa kaibigan ko." Elodia
Lumingon si Eria sa kasama niya.
"Walang problema. May karapatan ka na malaman ang nangyayari ngayon lalo na't nalagay sa panganib ang buhay ng iyong kaibigan." Eria
"A..Anong ibig mo sabihin?" Elodia
Si Eria ay napaiwas ng tingin dahil naalala niya ang naging karanasan ni Aera bago lumisan sa akademya.
"Sabihin na lang natin na hindi magkakaroon ng katahimikan ang bawat segundo, bawat paggalaw, bawat salita at bawat paghinga. Hindi malayo sa salitang miserable ang maaaring ilarawan sa buhay ng iyong kaibigan hangga't nandito pa siya sa akademya." Eria
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...