Third Person POV
Kasalukuyang nakatanaw si Ian sa bintana ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa dalaga. Hindi niya magawang tingnan ng diretso nang lumingon sa direksyon niya. Hindi alintana para kay Ian ang isang portal na nasa harapan ni Aera.Wala siyang pakialam kung ano man ang gustong gawin ni Aera. Sa una pa lang, wala siyang pakialam sa kahit kanino.
Magmula nang iniwan siya sa kaharian ng Ixeagia, lumaki na walang kapiling maski ang mga magulang. Bukod-tanging mga katulong lamang ang kasama niya sa loob ng kaharian.
Hindi rin niya magawang lumabas ng kaharian dahil may nakaharang na barrier na tila kinukulong siya at pinipigilang lumabas.
Nasanay na walang emosyon na nararamdaman dahil maski ang mga katulong ay walang naglakas-loob na siya ay kausapin.
Sa loob ng dalawampung taon, ang tanging ginawa ng prinsipe ay matulog, kumain, magbasa ng mga libro at ipagawa ang mga bagay sa mga katulong. Tila walang katapusan ang kanyang nakasanayan at walang pagbabago sa kanyang buhay. Tila nawala sa kaniya ang tunay na kahulugan ng pamumuhay na naging bihag ng kanyang sariling nakasanayan.
Inakala niyang mamamatay siya nang walang naranasang kakaibang bagay, ngunit iyon ay akala lamang dahil dumating ang hindi inaasahang bisita.
Akala niya'y magigising siya na katulad ng mga nakagawian, ngunit nagbago ang lahat nang makita niya ang dalaga na nakadungaw sa bintana.
Sa unang tingin pa lamang, ang presensya ng dalaga ay tila nagbigay ng bagong liwanag.
Isang dalaga na kakaiba sa mga katulong. Ang kaniyang katangian ay walang katulad sa mga tao kahit hindi pa niya nakikita ang totoong mundo. Inakala na isang kalaban ang dalaga ngunit wala siyang naramdaman na panganib. Hindi rin niya alam ang totoong pagkatao dahil hindi siya interesado.
Maraming katangian na maaaring ilarawan sa dalaga.
Maingay siya dahil palaging may sinasabi. Hindi siya nagkukulang sa kwento. Ang kanyang presensya ay nagbibigay ng sigla na nagiging sentro ng atensyon sa bawat usapan.
Mahirap hulaan ang takbo ng isip niya, ngunit punung-puno ito ng kalokohan. Palaging may mga nakatutuksong ideya na nagpapasaya at nagpapasigla sa paligid.
Madalas siyang nakangiti ngunit may bahid ng pagiging malandi. Ang kanyang mga mata ay may mapanukso at nakakaakit. Sa bawat ngiti, may kasamang hamon na tila sinasabing handa siyang maglaro sa kahit na sino.
Kahit kaunting oras lamang ang kanilang pagsasama, tila nag-iwan ng malaking epekto ang dalaga sa kanyang pagkatao. Ang bawat salita at ngiti nito ay nag-iwan ng inspirasyon sa kanya at nagpasimula ng mga damdaming hindi pa niya naramdaman.
Sa loob ng maikling oras, nagbago ang kanyang pagtingin sa mundo dahil sa misteryosong dalaga.
Muling nakabalik sa wisyo ang prinsipe dahil may pumasok sa kuwarto. Bago pa man tumalikod, nahagip ng kaniyang paningin ang isang portal. Tila nawala ang dalaga sa hardin at inakalang pumasok sa loob ng portal.
Ito'y nangangahulugang umalis na ang dalaga sa kaniyang mundo.
Pinagsawalang-bahala niya ang nangyari sa dalaga at tuluyang lumingon sa pinto.
Natigilan si Ian nang makita niya ang dalawang katulong na tila bumagsak sa sahig. Lumapit si Ian hanggang sa lumuhod sa harapan ng katulong. Hinawakan ang balikat at hinila para makita niya ang nangyari sa katulong.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...