Third Person POV
Flashback
(7 years ago)
Sumapit ang araw na kung saan ay kaarawan ni Aeris. Siya ay kasalukuyang nasa labing-dalawang taong gulang ngunit madadagdagan dahil muling sumapit ang kan'yang kaarawan.Naging maganda at maayos ang selebrasyon ng prinsipe kung kaya't hindi mawawala ang masayang ngiti ng kan'yang mga magulang.
Sa panahon na 'to, bukod-tanging pamilya lang at dalawang kaibigan na lalaki ang pumunta sa kaarawan ni Aeris. Wala pang ideya ang mga tao sa dalawang bayan na kanilang nasasakupan at sa iba pang kaharian. Maski ang mga estudyante sa akademya.
Nasa patakaran nila na sa oras na umabot sa labing-walong taon ang edad ng kanilang panganay na anak, saka pa lamang ipapakilala sa lahat. Pinagbawalan si Aeris na lumabas sa kaharian ngunit hindi 'yon hadlang upang makilala niya ang dalawang matalik na kaibigan.
Kasalukuyang nasa hardin ang tatlong magkakaibigan. Kahit hindi pa tapos ang kaarawan ni Aeris, mas pinili niya na samahan ang dalawang kaibigan.
"Kanina ka pa nagbabasa ng libro. Hindi ka ba mabubulag?" Aeris
Umiling si Jae na kasalukuyang nagbabasa ng libro habang nakasuot ng salamin.
"Hindi naman nakakabulag ang pagbabasa ng libro." Jae
Hinayaan na lang ni Aeris si Jae at lumingon sa isa pang kaibigan.
"Hindi ba tayo maglalaro?" Aeris
"Ano ang lalaruin natin?" Krist
Nag-isip si Aeris at sa kalagitnaan nito, dumating ang kan'yang kapatid.
"Kuya!" Alenia
Tumakbo ang batang babae na si Alenia na nasa sampung taong gulang. Nang makarating si Alenia sa tatlong prinsipe, natigilan ang prinsesa dahil ang mga mata ng prinsesa at ang prinsipe na si Krist ay tila nagkatagpo.
"Ano 'yon?" Aeris
Napansin ni Aeris na sa iba nakatingin ang kapatid niya. Sinundan niya ang direksyon hanggang sa tumigil kay Krist.
Akmang kukunin ang atensyon ni Alenia ngunit nakuha naman ang atensyon ni Aeris mula sa boses ng babae.
"Butterfly!"
Lumipat ang atensyon niya sa batang babae. Base sa tangkad at itsura nito, halatang mas bata pa kumpara kay Alenia.
Ang kan'yang mukha ay nagbibigay kaligayahan. Ang kan'yang ngiti ay nag-aalis ng galit. Ang kan'yang buhok ay tila kakaiba dahil kulay-puti. Ang kan'yang mga mata ay nagpapakita ng pagiging inosente.
Ngayon lamang siya nakakita ng babae na may kakaibang taglay sa tuwing pinagmamasdan. Pinanood niya ang batang babae na nakikipaglaro sa paro-paro.
Sa tuwing lumalapit ang paro-paro ay nagpapatigil sa bata pero sa tuwing hahawakan siya ay biglang lalayo ngunit nagbibigay kasiyahan sa bata.
Patuloy na tumatawa ang batang babae habang kalaro ang paro-paro.
Samantala, natigil ang pag-eye contact ng dalawa dahil nabaling ang atensyon ni Krist sa batang babae. Dahil do'n ay lumingon din si Alenia.
"Butterfly!" Muling sigaw ng batang babae
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...