Alice's POV
'Nang matagpuan nila si Aera sa bangin, huli na ang lahat dahil wala na siyang buhay. Agad dinala sa kaharian upang ilibing at bigyang respeto ang kan'yang pagkawala.'Kawawa naman si Aera. Ang ganda pa ng buhay niya bago makapasok sa akademya. Kung tutuusin ay maganda sana ang buhay niya kung hindi lang ginalingan at minsan ay hindi dapat maging mabait para naman hindi lahat ng atensyon ay nasa kan'ya.
Hindi tuloy maganda ang naging wakas ng buhay niya. Grabe lahat ng mga tao na nagmamahal sa kan'ya ay napalitan ng poot at galit.
Masyadong sentro ng atensyon sa lahat. Kahit walang kapangyarihan ay kayang makipagsabayan sa iba.
Idagdag mo pa ang tatlong prinsipe na nagkagusto pala sa kan'ya.
Sinasabi ko na nga ba na may something kay Aeris dahil ang pag-approach at paraan ng pakikipag-usap ay may bahid na kalandian. Kung tutuusin, pwede siya magkagusto kay Aera dahil hindi sila magkadugo. Kung malalaman ng iba na may nararamdaman siya, wala silang magagawa lalo na't hindi niya tunay na kapatid.
Pangalawa, si Jae na pinili ni Aera. Hindi man lang nag-take ng risk at inuna pa ang pagmamahal sa kaibigan niya. Kung tutuusin, kung pinili niya si Aera kesa kay Hiraya, malalaman agad kung tatanggapin pa siya ng mga kaibigan niya. Saka lang malalaman kung tunay na kaibigan ang dalawa. Wala naman din sila magagawa dahil may gusto rin naman si Aera kay Jae.
Pangatlo, dito ako naloka ng sobra. Ang kamukha ni Alex na si Krist ay may gusto kay Aera. Base sa mga ginawa niya para mapalapit kay Aera, may posibilidad na siya ang makakatuluyan. Kahit nauna man nagustuhan ni Aera si Jae, maaaring lumipat kay Krist dahil siya ang prinsipe na hindi lang salita ang kayang patunayan kundi sa gawa. Ang problema nga lang, hindi niya sinabi ang totoong nararamdaman kay Aera at panigurado hanggang sa namatay.
Kaya naman pala ayaw ako kasuhan dahil matindi pala ang pagmamahal kay Aera. Kahit minura, sinaktan at pinagsabihan ng masasamang salita, ayaw niya pa rin na masaktan o maparusahan si Aera. Kaya pala naging santo sa harap ng mga tao.
In fairness, ang tahimik niya at parang wala lang sa kan'ya ang ginawa ko.
Base sa mga nangyari kay Aera, si Alenia talaga ang nag-umpisa ng lahat. Kapag ako nakabalik sa kaharian, sasampalin ko siya sa harap ng maraming tao.
"Nilibing naman siya?"
Pinaglaruan ko ang buhangin sa gilid habang nakatitig sa kalangitan.
'Ang alam ng mga tao sa kaharian ay nilibing siya ngunit hindi tinuloy ng reyna at nilagay ang katawan niya sa isang kuwarto na hindi ginagamit.' White Fox
Kaloka naman. Kaya pala ang layo ng pagkakaterno sa kan'ya. Prinsesa ang turing sa kan'ya pero natutulog sa kuwarto na parang katulong o bodega nila.
Akala ko naman pinagtutulungan siya ng mga tao sa kaharian. Si Alenia lang pala ang may ganang manakit at hindi na ako magtataka na parang gusto ako patayin gamit ang kapangyarihan niya.
Makakabawi rin ako sa'yo hinayupak ka.
"Paano nakakasiguro na walang nakakaalam sa ginawa ng reyna?"
'Dahil no'ng araw na ililibing ang katawan niya, bukod-tanging si Aeris at ang reyna lamang ang pumunta.' White Fox
What?! Ang daming nagmamahal sa kan'ya na halatang lumagpas na sa libo pero dalawa lang ang pumunta?! Ano 'yon?!
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...