Alice's POV
Matapos ang nakakainis na pangyayari sa korte, nandito ako ngayon sa kalesa.Ilang beses ko pinilit ang mga judge na ituloy ang pagsampa ng kaso sa'kin kaso si Krist ay nagmatigas. Ayaw niya talaga kahit ilang beses ko na sinabihan ng mga masasamang salita.
Imbes na siya ang magalit, ang pamilya niya at ang mga tao na hindi ako gusto ang nagalit. Sa kanila pa ako nakatanggap ng mga masamang salita.
Si Krist ay nanahimik lang at hindi na ako tiningnan ng diretso. Nakakapagtaka lang dahil sa tuwing binabanggit ko ang kamatayan o pagpatay, saka lang siya magpapakita ng reaksyon.
Magdadabog sa lamesa habang pinipigilan na hindi magalit. Para bang ayaw niya marinig ang salitang patay.
Hindi kaya may trauma siya?
Baka naman naalala niya ang ginawa sa'kin. Siguro kaya inatras ang kaso, dahil na-guilty sa ginawa niya sa'kin. Ibig sabihin ay tama ang hinala ko na siya si Alex dahil wala silang pagkakaiba pagdating sa mukha. Kulang na lang ay mapagkamalan na kambal.
Ngayon pa siya magiging guilty kung kailan namatay na ako at nalipat sa ibang katawan.
Siraulo pala siya.
Hindi ako papayag. Gagawin ko rin sa kan'ya para naman maranasan niya ang nangyari sa'kin.
Mag-isa lang ako ngayon sa kalesa dahil may aasikasuhin daw si Aeris bago bumalik sa akademya. Narinig ko lang sa kanila kahit mas nauna ako sumakay sa kalesa.
Kanina lamang ay dalawang kalesa ngunit ngayon ay isa na lang. Ang isang kalesa ay sumabay sa pamilya ni Krist. Pag-uusapan daw ang tungkol sa kasalan ng dalawa.
Ang korni naman. Nawalan ako ng happy ending dahil binaril ako ni Alex sa noo. Binigyan nga ako ng chance na mabuhay ulit kaso papanoorin ko ang kamukha ni Alex na may happy ending.
Ang unfair naman!
Binuksan ko ang bintana at muling dumungaw.
Mas maganda sana kung tinuloy ang kaso then pipilitin ko na kamatayan ang magiging parusa para naman mawala na ako dito.
Ano naman ang gagawin ko dito? Wala akong ideya kung paano napunta sa katawan na 'to at bakit ako pa? Pwede naman ibalik ang kaluluwa ni Aera para naman manahimik na ang kaluluwa ko.
Kailangan ko multuhin ang ate kong ampon at ang boyfriend kong manloloko. Syempre hindi ko makakalimutan si Alex na siyang tumapos sa buhay ko.
Natigilan ako dahil huminto ang kalesa. Binalewala ko na lang at muling dumungaw sa bintana. Saktong napatingin ako sa malaking puno.
Nakita ko na naman ulit ang White Fox. Nakatingin siya sa'kin habang nakatago ang kalahating mukha sa likod ng malaking puno.
Ibig sabihin ay hindi ako namalik-mata. Hindi ko aakalain na may White Fox pala sa mga gubat.
Nawala ang atensyon ko sa White Fox dahil sa sigaw ng kabayo. Sumilip ako sa harapan at mabuti na lang ay may butas.
Hindi ko nakita ang lalaki na kumokontrol sa kalesa kung kaya't bumaba ako.
"Anong nangya---" Natigilan ako habang nakatingin sa harapan.
Kanina lamang ay may tao na kumokontrol ngunit ngayon ay nawala siya. Napatingin ako sa sahig dahil may kulay-pula.
Pumunta ako sa kabilang side kung kaya't nakita ko ang kumalat na kulay-pula sa lupa. Sa itsura pa lang, halatang hindi malayo sa kulay ng dugo.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasyA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...