Third Person POV
Pagsapit ng umaga, maraming estudyante ang naghahanda para sa pagpasok sa unang klase. Karamihan sa kanila ay parehas ang pinag-uusapan.Ito'y tungkol sa pagsusulit na kahapon lamang nangyari. Lahat ay natuwa at nasiyahan dahil sa kahusayan ng pakikipaglaban ng mga manlalahok.
May ilan na nalungkot sapagkat hindi nakapasa ang mga manlalahok na inaasahan nila. Gayunpaman, naging maganda ang naging resulta sa pagsusulit.
Sa unang pagkakataon, hindi lamang iisa ang nakapasa kundi tatlong tao ang naging mapalad na maging ganap na estudyante sa akademya.
Hindi rin naging malabo dahil base sa mga pinakita ng tatlong estudyante, malaking porsyente na sila ay makakapasa.
Matapos ang pagsusulit, muling bumalik sa dati ang lahat. Ilang minuto na lamang bago mag-umpisa ang klase.
Mula sa dormitoryo ng mga babae, naroon si Eria na kasalukuyang naglalakad sa hallway. Nagmamadali sa paglalakad dahil malapit na sumapit ang oras para sa unang klase.
Paglabas niya sa gusali, nakita niya ang isang lalaki na nakasandal sa puno. Binalewala niya at tumakbo para mabilis na makarating sa main building.
Hindi pa man nakarating, may biglang humarang sa harapan niya. Sinubukan niya lagpasan ngunit patuloy pa rin humaharang sa daanan.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Eria
Hindi makatingin si Eria ng diretso sa mga mata ni Aeris.
"Patawarin mo ako sa mga sinabi ko. Hindi ko rin intensyon na saktan ka." Aeris
"Totoo naman ang mga sinabi mo." Eria
Akmang lalagpasan ang prinsipe ngunit humarang pa rin.
"Galit ka pa rin sa'kin." Saad ni Aeris at yumuko sa harap ng dalaga.
Napalingon si Eria sa paligid at ngayon lang napansin na marami ang nakatingin sa kanila.
"Umayos ka nga. Prinsipe ka pa man din pero gan'yan ka umakto sa harap ng karaniwang tao." Eria
"Wala akong pake. Hindi ako titigil hangga't naramdaman ko pa rin na galit ka sa'kin dahil sa mga sinabi ko. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin ako ng konsensya dahil pinaalala ko sa'yo ang isang bagay na muntikan nang sumira sa buhay mo." Aeris
"Hindi na ako galit. Pinapatawad na kita. Ang kailangan mo lang gawin ay layuan ako. Sa oras na lumapit ka sa'kin, babalik ang galit sa dibdib ko. Naintindihan mo?" Eria
Tinaas ni Aeris ang ulo niya at sinalubong ang mga mata ni Eria.
"Oo." Aeris
Bumuntong-hininga si Eria at nilagpasan ang prinsipe. Hindi pa man nakalayo ay biglang may humawak sa braso niya.
"Ano na naman?!" Eria
"Maayos na ba ang kalagayan mo? Nilalagnat ka pa rin ba?" Aeris
Natigilan ang dalaga at muling napatingin sa paligid. Mas lalong dumagdag ang mga estudyante na nanonood sa kanila.
"Wala na akong sakit. Salamat sa tulong." Eria
Dahan-dahang binitawan ni Aeris ang braso niya hanggang sa hindi siya na nahawakan.
Muling tinalikuran ang prinsipe at nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating niya sa classroom, kaunti pa lang ang pumasok.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As An Illegitimate Princess
FantasíaA woman is reincarnated into the body of a princess in a fantastical realm surrounded by magic and wonder. To return to her life in the real world, she must go on a quest, facing mythical creatures and unraveling mysteries. Each day is a challenge s...