20

37 5 2
                                    


Third Person POV


Nang lumusong sa lawa ang prinsesa, agad naman pumunta sina Aeris at Jae upang iligtas si Aera dahil sa hindi marunong lumangoy.

Tila nag-aagawan ang dalawa na kung sino ang unang makakapunta kay Aera. Parehas na lumusob sa ilalim ng lawa ang dalawa hanggang sa nakita nila ang prinsesa na tila hindi gumagalaw sa ilalim ng lawa.

Nag-unahan sa paglangoy ang dalawang prinsipe habang nakapokus lamang ang paningin sa prinsesa.

Bago pa man makalapit ang dalawa, biglang nawala ang prinsesa.

Lingid sa kanilang kaalaman, biglang nasira ang barrier, kaya't nakalipad ang halimaw. Agad niyang kinuha ang dalaga kahit hindi nakatingin sa lawa.

Nakahinga ng maluwag ang prinsesa at ilang beses umubo upang mawala ang mga tubig sa katawan nito.

Natigilan siya nang mapansin na tila umaangat ang katawan niya. Napatingin siya sa taas hanggang sa nakita ang halimaw na mukhang lamok.

"Aaah! Tulungan niyo ako!" Sigaw ni Aera habang sinusuntok ang paa ng lamok.

Bago pa makalayo, biglang binalot ng yelo ang pakpak ng halimaw. Hindi nakalipad ang halimaw at patuloy bumabagsak habang nagsisigaw ang prinsesa.

"Ayoko pang mamatay!" Aera

Bumagsak ang katawan ng halimaw sa lupa ngunit si Aera ay agad kinulong sa isang barrier na gawa sa hangin at pinaghalong apoy.

Nakahinga si Aera ng maluwag habang nakasandal sa barrier.

Samantala, bumangon ang halimaw at sumigaw ng malakas.

Sinugod niya ang prinsesa ngunit agad tumalsik dahil sa apoy na tumama sa kaniyang mukha.

Nilamon ng galit ang halimaw, kaya't naglabas ng mga maliliit na lamok. Tila katulad sa isang halimaw na nakalaban nila.

Kayang magpalabas ng hindi mabilang na maliliit na halimaw. Tila walang katapusan ang paglabas nito kahit ilang beses inuubos ng mga estudyante.

Binalot ng mga maliliit na lamok ang barrier, kaya't nasira agad at pumasok sa loob.

Nagsisigaw si Aera habang pinapatay ang mga lamok na kumakagat sa kaniya.

"Wala akong dugo!" Aera

Kahit nahihirapan si Aera dahil sa patuloy na pagkagat sa kaniya, pinilit niyang lumapit sa dalawang prinsipe.

"Ang unang magliligtas sa akin, may kiss sa b*yag!" Saad sa isip ni Aera.

Sa isang iglap, nawala ang mga maliliit na lamok dahil biglang binalot ng apoy ang kaniyang katawan habang may tumatama na malakas na hangin.

Napalingon si Aera sa dalawang prinsipe na naglalakad papunta sa kaniya.

"Grabe naman kung dalawa sila." Aera

Niyakap ni Aeris ang prinsesa ngunit saglit lamang dahil hinila siya ni Jae upang lumayo kay Aera.

"Nakakalamang ka na. Sa tingin mo ba, walang pipigil sa'yo?" Jae

"Kahit ikaw pa ang kalaban ko, hindi ako magdadalawang-isip na kalabanin ka." Aeris

Napanganga si Aera habang pinapanood ang dalawang prinsipe na muling nag-aaway.

Akmang magsasalita si Aera ngunit biglang na lamang tumalsik ang dalawang prinsipe.

"Hala!" Saad ni Aera nang makita niya na nawalan ng malay si Jae dahil tumama ang ulo sa puno.

Reincarnated As An Illegitimate PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon