After five days, I was discharged from the hospital. The girls visit me every day, and Isaac, who is responsible for taking care of my needs, along with Lexus, who always brings joy and warmth whenever he's by my side. Everything feels better when he's around—I feel at ease and comfortable.
Naipakilala ko na rin si Lexus kay Isac. Nagulat pa ito noong una dahil akala daw niya ay hihintayin ko si Eli. I waited, but that’s all. Even though they get along, I can still sense some tension. If only Xandrev could—well, that’s a different story...
"Papasok ka na?" Tanong ni Isaac na makarating kami ng Estrella.
Tumango ako. "Yes, graduating tayo di ba? Baka mahirapan akong makahabol. Malapit na ang exams."
"Sabagay. Nasaan na ang boyfriend mo?"
"Pinapasok ko na sa klase niya. Halos sa hospital na din siya umuuwi."
Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Nakikita niya naman iyon, halos magkakasama na kaming tatlo. "Good thing you were still injured then, who knows if the two of you would’ve been making magic in that hospital bed."
Napaawang ang labi ko at mabilis itong binatukan. "Pwede ba, huwag mo akong itulad sayo Isaac."
"Biro lang naman. Ang sakit nun ah, magaling ka na nga." Sabay himas sa batok nito."Pero seryoso Zafh, tiwala ako sa Rosetti na yun. Mukhang malinis ang hangarin niya sayo."
"Hindi gaya mo at ang hangarin mo sa mga kinakama mo?" Napasimangot ito. "Hindi mo man lang naappreciate ang mga ginawa ko para sayo talaga e no? Alam mo bang ilang araw akong tigang kakaalaga sayo?"
Aba, at talagang kargo de konsensya ko pa pala? Sinamaan ko ito ng tingin. "At ngayon, kasalanan ko pa?"
Lumukot ang mukha nito at tumingin sa'kin. "Hindi, choice ko naman yun e."
Napangiti ako. Iilan lamang ang kinikilala kong kamag-anak. At pinakamalapit sa akin ang pamilya ni Isaac. Si Tita Shamila na kapatid ni Mama at Tito Zachary na asawa nito. Sila ang unang bumungad sa akin nang magising ako noon sa hospital.
"Thank you, Isaac. Salamat at pinili mo ako kaysa sa tawag ng laman mo. I truly appreciate that."
"That's good to hear. Paano, okay ka na ba dito? " Tango lamang ang naisagot ko dito.
Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan ko munang tumambay sa library. Gusto ko muna ng tahimik na lugar kung saan ay makapag-isip ako ng maayos. Ngunit nabigo lamang ako matapos ang ilang minuto, natagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa paligid ng oval.
I never imagined this day-—seeing him now while I seek for peace of mind. He never calls or visits. I suppose this is just how things are now.
We merely stared at each other as he continue to approach.
"I'm relieved to see you're doing better." sabi nito nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Wala yata itong kasama ngayon. Saan kaya ang bagong hideout nila ngayong wala na ang basement?
"Really, Xandrev?" Gusto kong matawa sa sinabi nito. Para bang taliwas ang sinasabi nito sa ikinikilos niya.
"It's a huge relief, especially after everything."
Yes. After everything you've done to me. Every pain you've caused. The audacity to speak to me like that. Has he forgotten all the words and actions he made?
"Alam mo, sa totoo lang..hindi ko na alam kung anong isasagot ko sayo. Ni hindi ko nga alam kung bakit kinakausap pa kita." Hindi ko rin alam kung paano ko ito nahaharap ngayon. Nasusuklam ako, if that's the right word to describe how am I feeling right now.
BINABASA MO ANG
The One Who Stares Behind
RomanceWhile I was desperately searching for answers, I stumbled upon you-unexpectedly finding you amidst the chaos that even I couldn't untangle. You arrived just when I needed someone the most, yet despite your presence, everything still feels so wrong.