I woke up to the light hitting my face from the window. I slowly opened my eyes and wasn't surprised to see Lynne as the first thing I noticed.
Napakapangit na umaga.
"Anong oras ka na umuwi kagabi, Zafhyrna Kasianna?"
Umagang umaga at eto na naman siya sa pagiging nanay niya.
"11..12? I can't remember the exact time." Wala kong ganang sagot.
Tumango tango naman ito at hindi na nasundan pa ang tanong niya bagay na hindi ko inaasahang gawin niya.
"Bumangon ka na diyan. Papasok pa tayo."
Weird.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at bumangon na sa kama. Pagkatapos ay tumungo na ako sa banyo upang makapaghilamos at makapagsepilyo.
Pagkalabas ko ay prente ng nakaupo si Lynne at Anne sa aming round table.
"Coffee?" alok ni Anne na nagbabasa habang sumisimsim ng kape. Hindi na nga yata ito nawalan ng binabasa sa araw araw.
Tinanguan ko na lamang ito bilang tugon. "Nasaan si Debbie?" tanong ko sa kanila.
Hindi sumagot si Anne kaya si Lynne ang binalingan ko ng tingin.
"Debbieeee!" pasigaw na tawag ni Lynne dito. Bakit kailangan pang sumigaw Lynne?
"I am here." Oh. Debbie's voice.
"Nasaan siya?"muling tanong ko kay Lynne.
"Kailan pa ako naging tanungan ng mga nawawalang nilalang?!Sa likod ng sofa." tamad na tamad nitong sagot at tsaka ipinusod ang mahabang hanggang bewang nitong buhok.
Sinamaan ko ito ng tingin at tsaka sinilip si Debbie sa likod ng aming maliit na sofa.
Anong ginagawa niya sa likod ng sofa? Kung ganun, paano niya narinig si Lynne kanina kung ganitong naka earphone naman pala ito? Unless, walang music na nagpeplay. O sadyang sapat na ang nakaririnding boses ni Lynne para narinig niyang tinatawag siya nito.
Binalingan ko ng tingin si Lynne but then she just gave me a 'don't ask me look.' So I did not hesitate to.
"Anong nangyayari dito?"
Nakakairita rin pala ang pagiging tahimik nila."Papasok na ako. Bye."
Tiningnan ko lamang si Debbie habang naglalakad palabas at padabog nitong isinara ang pinto.Bahagyang nagulat si Lynne. "Hoy!"
"I need to go to my class. " paalam naman ni Anne. Dire diretso rin itong naglakad at-
Okay. Sabi ko nga.
Hindi ko inaasahan na padabog niya ring isasara ang pinto ng aming kwarto bagay na mukhang hindi na nagugustuhan ng isa dito.
"Shit!Bakit ba nila sinasara ang pinto ng ganyan?! Hindi ganyan ang tamang pagsira ng pintuan. God!"
Napapailing na lamang ako at tsaka sumimsim ng kape. Whatever.
"It was your cousin's fault, Zafhyrna."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ano naman ang kinalaman ng malanding yun dito?
"You mean, Jan Isaac?" tanong ko dito.
Inirapan lang ako nito at tumango."Sino pa bang pinsan mo dito?"
Mataray na tanong nito dahilan para mapangisi ako."Why are you even smiling like that? Can't you see the tension he just created between Anne and Debbie?!" This girl is over reacting. As if it's that serious.
"He's out of it, Lynne."
Umismid naman ito na ikinatawa ko. "Ipagtanggol mo pa. Debbie likes Isaac and Anne also feels the same thing."
"Oh. " yun na lamang ang nasabi ko dahil iba ang tumatakbo sa isipan ko.
"Maliligo lang ako Lynne." paalam ko dito bago tuluyang inubos ang laman ng tasa ko.
"Sabay na tayo!"
Nginiwian ko ito at kunwari'y nandidiring tiningnan.
"I won't let you see any part of my body, Lynne."
"Tse! Akala mo naman talaga. Lamang ka lang ng boobs Zafh. Flat is the new hot momma. And that is me!"
I laughed, Lynne is pissing off herself.
Masyadong maraming sinasabi."I don't see you hot. Just flat.
Wait me here. " Matawa tawa kong tinungo ang banyo."Magpapabomba ako, makikita mo!" habol pang sigaw nito."
BINABASA MO ANG
The One Who Stares Behind
RomansaWhile I was desperately searching for answers, I stumbled upon you-unexpectedly finding you amidst the chaos that even I couldn't untangle. You arrived just when I needed someone the most, yet despite your presence, everything still feels so wrong.