KABANATA 2

50 1 2
                                    

"Zafh?" tawag ni Xandrev nang lumabas siya ng banyo, habang bumabagsak ang tubig mula sa kanyang buhok at katawan, na parang hindi natapos na shower.

Infairness, hindi mo pwedeng sabihing walang ibubuga 'tong kapatid ko.

Wala siyang pang-itaas, kaya't kitang-kita ko ang mga bagay na hindi ko inaasahang makita, at hindi ko rin yata dapat makita. Bago ko pa man maisip, hinubad din ni Eli ang kanyang v-neck shirt.

Napakurap ako at napalunok ng hindi ko namamalayan, at hindi ko na napigilan ang pag-pikit ng mga mata ko dahil... ang katawan niya.

My innocent eyes... you sinful temptation...

Bakit ba sila mahilig magpakita ng katawan? Pero wait, ako naman ang pumasok sa kwarto. Walang nag-imbita sa akin. Parang ako yata ang may kasalanan dito.

"I came here to see you, not to see your abs." pang aasar ko kay Xandrev na hindi pinapansin ang presensya ni Eli kahit pa katabi lamang niya ito.

Try harder Zafh. Kung bakit ba kasi hindi ko maiwasang tumingin dito. Sinusubukan ko naman ngunit mukang tinatraidor ako ng sarili ko.

You really came here to see me?" tanong ni Xandrev, na may halong pang-aasar, habang pinapanood ako ng may matalim na tingin.

Xandrev, please cooperate with me here.

"Yes, Xandrev," sagot ko, may diin ang bawat salita. "I came here to SEE YOU."

"Ooohhhhh!!" ring naming hiyaw ni Isaac.

That's Isaac bringing up his psycho character again.

I don't know what to do with you anymore, cousin.

"What's wrong?" I asked.

"Bro! Michaelson! You haven't informed us about your proposal for Maui!"

Bigla akong natigilan, at parang may nag-utos sa akin na lingunin si Eli. Gusto kong makita ang reaksyon niya. Masaya ba siya? Kaya pa ba niyang tumingin sa akin nang diretso?

When I heard that, it was the most bitter thing I've ever heard in my entire life. Napalunok na lamang ako at hindi ito pinahalata sa kanila.

"You fell for that gorgeous monster, huh? Remember how hard she punched Debbie in the face? She needs justice for that!" sabi ni Isaac, na parang sinadyang pinapalakas ang drama.

Pagkatapos, kinuha niya ang tuwalya at pumasok sa banyo.

Gusto ko sanang matawa sa kalokohan ni Isaac ngayon. Kung maririnig lang ni Debbie ang mga salitang 'yon, baka magtago na siya sa ilalim ng lupa.

"Anong nangyari kay Jan?" tanong ni Eli, tila hindi gaanong apektado sa mga nangyayari.

"Tinamaan ng pana ni Kupido," sagot ni Drev, sabay ngisi na parang may laman ang sinabi.

"Nagpropose ka na pala kay Maui El," sambit ko, na binago agad ang usapan.

"Oo," he said—just a simple "yes."

Well, that was easy. Just a simple "yes."

"Well, I am wishing you all the best things to happen," sagot ko na parang wala lang, may pilit na ngiti na kunwari hindi ako apektado.

Great job, Zafh! You deserve an Oscar for that performance. You've officially mastered the art of pretending like it doesn't hurt.

Noon din ay nasilayan ko na naman ang mga ngiti niyang totoo—mga ngiting alam kong nagpahulog sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko.

He's so happy with Maureen, and I told myself I'd be happy for him too, because that's all I can do right now—accept his happiness, even if I'm not part of it.

"Mukhang may mangyayaring riot mamaya sa basement," sabi ni Xandrev, na parang bigla na lang pinili ang tamang timing para magbago ng topic.

Did he feel the tension between us? Was that his way of easing things up?

"Gusto kong sumama," sabi ko, at kahit ako ay nagulat rin sa nasabi ko.

"Huwag na, Zafh. Babae ka, at isa pa, delikado para sa'yo," agad na sagot ni Xandrev.

"Your sibling is right, Siann. It doesn't suit you." He used to call me that name.

Siann.

Ang pangalan na may kabuntot na mga alaala na hindi ko pa kayang kalimutan, at hindi ko rin kayang itapon.

Gusto ko pa sanang magpaliwanag, pero pinili ko na lang muna ang manahimik ng ilang segundo.

"I can take care of myself. I'm done watching you secretly join the riots for the past years. Maybe you can let me this time, and besides, you'll be there to protect me."

Xandrev looked at me for a moment, then sighed.

"I will. Always." Ramdam ko na napilitan lamang ito dahil sa pakiusap ko.

"Mauna na ako, Drev, Siann. Magkita na lang tayo sa basement mamaya. Someone's waiting for me." Tumango si Xandrev bilang tugon, at kahit hindi siya nagsalita, alam kong si Maureen ang tinutukoy niya.

Isinarado ko agad ang pinto at umupo sa gilid ng kama ni Drev, feeling ko parang ang bigat ng hangin sa paligid ko.

"Okay ka lang ba? Yung mga tingin mo kanina," tanong ni Drev, hindi maitatago ang pag-aalala sa boses niya.

"Oo naman. Bakit hindi?" sagot ko, sabay pakita ng isang pekeng ngiti.

"You can't hide that from me, Zafh. I know exactly what you're thinking and how you feel. It's okay. It's alright to be hurt, I'm here."

Alam ko, kahit hindi ko pa man sinabi, naiintindihan na ni Drev. Lumapit siya sa akin, hindi nagdalawang-isip, at niyakap ako.

"Kahit anong mangyari, kapatid mo ako. I'm always right here by your side. Don't hesitate to call my handsome name. I'm just one call away."

I laughed—a real one this time.

Salamat Xandrev.

"Ehem .."

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap kay Xandrev.

Isaac.

"You looked like lovers.
Damn Cousins!"

Kinuha ko kaagad ang unan at tsaka ito hinagis sa kanya. Isang batok naman ang natanggap nito mula kay Xandrev.

"Aray! Insan ano ba?! Hahaha
Oo na. Alam ko naman kasi kung sino yung nagpapatibok tibok ng puso—"

Kaagad naman itong natigilan nang subuan ni Xandrev si Isaac ng tissue.

"Yan ang dapat sa maiingay."

"Enough. Muntik ko ng makalimutan na may naghihintay pala sa akin. I'll go ahead. See you when I see you. It's nice seeing you with those fats, cousin," sabi ko, may halong pang-aasar.

"The what?! Can't you see I'm wearing this freaking abs?! Are you blind?! Come on, Zafh!" sigaw ni Isaac, na para bang naglilinis ng kanyang imahe.

Drev just chuckled from behind, and I couldn't help but laugh too.

Hinakbang ko na ang mga paa ko palabas ng pinto nang biglang tawagin ako ni Xandrev.

"Zafh!" tawag niya, at parang may seryosong bigat sa tono niya.

"What, Xandrev?"

"I love you!" hiyaw niya, at bigla akong natawa.

"By the way, I have a new roommate. Anne Haselton—deadly gorgeous. Wanna meet her?"

"Maybe later?" sagot ni Isaac na tawa pa rin ng tawa.

What a flirt. That guy's something else. My cousin, the professional heartbreaker.

The One Who Stares BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon