Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Hindi ako sigurado pero ang lakas ng kutob ko na nandito si Xandrev. Just like before, it was pitch dark here. It was so quiet that the only sound was the echo of my footsteps. Every step I took was accompanied by a sense of unease.
Hinanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at dire diretso kong nilakad ang mahabang pasilyo ng basement.
"Whoohoooooo!"
"This is really a wonderful game of death!"
"Bring that fires up!"
Sobrang ingay, napakagulo. The scene inside was the complete opposite of what it looked like outside. A band was playing on stage, while people below were fighting and seemed oblivious to what was happening around them.
Who are these people, and where is Xandrev? I turned my head to every corner of the room, hoping to catch a glimpse of him. But I failed. There was no sign of Xandrev Ross.
'Blag!'
Hawak ang tinamaan kong balikat ay kaagad akong tumayo mula sa pagkakatumba sa sahig. Crap! It hurts.
Bago pa man ako makabwelo ay iniwasan ko na ang paparating na kamao na tatama sana ulit sa balikat ko. Matalim ko iyong tinitigan ngunit ngisi lamang ang natanggap ko pabalik.
"You can hit me once, but I'll hit you twice."
I quickly glanced to my side and saw a chair. Without warning, I kicked it toward him, but he simply blocked it with one leg. Shit! I had no other options left.
Sinugod ko na ito at hindi tinantanan ng suntok at sipa. Kahanga hangang nasasalag niya ito nang walang kahirap hirap.
"Who are you?" wala sa sariling tanong ko dito.
I just heard him laughed. Yes, he laughed.
Kaagad naman akong tumakbo papunta sa likod nito at siniko ng ubod ng lakas ang gitnang bahagi ng likod nito. Bahagya itong napaurong at napayuko. Kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong ito para tuhurin ito sa kanyang sikmura ng dalawang beses.
"Ahh!" That's just right. Cry in pain. The same thing you did to my brother.
Nahihirapan man ay nakuha parin nitong tumawa at hindi lang basta tawa. He laughed like he's out of his senses. Sumabay pa dito ang nakabibinging tugtog mula sa iba't ibang instrumentong tumutugtog sa taas at ang walang humpay na sakitan mula sa mga tao.
"Anong nakakatawa?" seryoso ngunit may bahid na ng inis na tanong ko dito.
Dahil sa totoo lang, hindi ko mgagawang tawanan ang sitwasyon na mayroon ako kung ako man ang nasa kalagayan niya. Maliban na lamang kung gusto lamang nitong mang asar.
Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa.
"You're brave, but there's a limit to that. Just wait, Romero."
Sa sobrang inis ay nilapitan ko ito at itinayo mula sa pagkakasalampak nito. Hinila ko ang kwelyo ng damit nito at inilapit sa'kin.
"Sino ka ba talaga ha?! Anong kailangan mo sa'kin?!"
"Take it slow. You wouldn't want to know more. But if you're insistent.. you'll get to know me little by little. Consider this my warning."
"Zafhyrna!" nilingon ko ang nagmamay ari ng boses na iyon.
At hindi nga ako nagkamali. Xandrev.. Medyo malayo pa ito ngunit tanaw ko na ang mabilis na pagtakbo nito papunta sa direksyon ko.
Pansin ko rin ang pagtitig ng baliw na lalaking ito at kalauna'y muli na namang ngumisi.
BINABASA MO ANG
The One Who Stares Behind
RomanceWhile I was desperately searching for answers, I stumbled upon you-unexpectedly finding you amidst the chaos that even I couldn't untangle. You arrived just when I needed someone the most, yet despite your presence, everything still feels so wrong.