KABANATA 39

15 0 0
                                    

"Kasianna.." mahinang tawag ng boses sa pangalan ko.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko upang makatiyak na hindi ito galing sa isang panaginip. Ngunit tila ba hindi ito naging madali nang tumambad sa akin ang mapupungay na mata ng isang Lexus Rosetti.

He is undeniably a very handsome man. I can't ignore that.

Before I could be completely hypnotized and give in, I made an effort to divert my gaze to the surroundings.

"Where are we?" I asked without looking at him.

"La Ezperanza." pasimple akong tumango at walang sabing lumabas sa kotse nito.

Isang banayad na hangin ang sumalubong sa akin. Napapikit ako sandali sa napakagaang pakiramdam na hatid nito. Napakatahimik ng lugar maliban na lamang sa tunog ng dahon na nililipad at ang huni ng ibon na tila ba sila lamang ang nagmamay ari ng lugar na iyon.

Hindi ko maiwasang mamangha at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napangiti..There is something about this place that makes it even more undeniably beautiful.

"I guess I'm lucky to capture that smile. You seem to be fond of this place."

I love this place..

Naisatinig ko lamang iyon sa utak ko dahil wala namang lumabas na boses sa bibig ko. I can't find the right words to say.

"I think you don't want me here. I'll give you some space for now."

Hindi pa man ako nakakasagot mula sa sinabi nito ay bigla na lamang ito nawala sa paningin ko. He's been acting so strange. Oh God, Lexus.

Muli kong iginala ang aking tingin sa kabuuan ng lugar. Kailanman hindi ko kinahiligan pagmasdan ang mga bulaklak. Ngunit sa puntong ito, hindi ko na yata maialis ang aking mata mula sa mga ito.

Bakit ganito? Sa kabila ng sayang naihahatid nito sa akin ay agad rin namang napalitan ng kakaibang lungkot na hindi ko matukoy kung saan nangagaling.

Pilit kong iwinaksi ang pakiramdam na iyon at umupo na lamang sa duyan sa may ilalim ng puno.

Lexus never fails to bring me this kind of happiness. Hindi naman ako galit sa kanya, I just felt annoyed for no reason. Time's running too fast to waste even a second of it.

One thing I’ve learned in life is that you're not in competition with anyone. Your greatest competitor while you're breathing is time.

Natigilan ako sa narinig ko. Maging ang pintig ng puso ko ay bigla ring bumilis. Para akong natulos sa sandaling ito. Putok iyon ng baril at hindi ako pwedeng magkamali.

Ang kaninang saya ay napalitan ng takot. Hindi para sa akin. Kundi para sa isang lalaki.

Lexus..

Wala na akong inaksayang oras pa. Mabilis akong tumayo upang hanapin ang pinangalingan niyon. No. It can't be him. He's alright.

"Lexus!!" Tawag ko sa pangalan nito.

Tuluyan na akong nakapasok sa madamong bahagi ng La Ezperanza hindi alintana ang mga nagtataasang talahib na tumutusok sa aking balat.

Nakakapanghina..

"Lexus!!" Please shout back! Tell me you're safe, baby.

Lakad takbo na ang ginagawa ko ngunit bakit parang gusto ko na lamang mabuwal sa kinatatayuan ko?

No, nothing bad happened to him.

"Lexus, this isn't funny!" I continued to shout, not realizing that my tears were still falling.

The One Who Stares BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon