Adrahasis
"Salamat anak, buti na lang dumating ka. Baka ano na nangyari sa mga kasamahan ko kung hindi agad sila naagapan." Napangiti ako sa sinabi ni Ama at tumango sa kaniya. "Pero grabe 'nak, mas lalo atang lumakas ang mahika na meron ka. Siguro hindi talaga naging madali ang pag-aaral mo sa akademyang 'yon. Bihira lang ang may alam ng isang spell na kayang pagalingin ang ilang wizards ng sabay." Dagdag pa niya.
"Narinig ko kasi na nasa norteng parte kayo ng kaharian kaya bumisita ako at sinuri kung ayos lang kayo." Sagot ko sa una niyang sinabi. "At tiyaka tama po kayo, Ama, hindi po talaga naging madali ang pag-aaral ko ro'n. Pero mabuti na lang at nakayanan ko, mabuti na lang may naging kaagabay rin ako ro'n no'ng naghihirap pa akong mag-adjust." Dagdag ko rin na siyang ikinangiti niya sa akin. Inakbayan pa niya ako na siyang nagpahagikhik na lang sa akin.
Tanaw na tanaw na namin ang munting bahay namin na kahit hindi naman gano'n kagara, mapapansin na hindi rin naman ito agad magigiba. Gawa ito sa semento at may munti rin kaming tindahan, hindi siya gano'n kalaki pero hindi naman siya gano'n rin kaliit. Kasya na kasya naman kami sa bahay, maespasiyo naman at tiyaka may tatlong kwarto. Isa sa akin, sa kapatid ko at sa kina Mama at Papa.
"Nako, iniisip ko pa lang kung ano ang magiging reaksiyon ng Mama mo kapag nakita ka na! Siguro hindi ka na no'n bibitawan." Natawa ako sa sinabi ni Ama dahil hindi rin naman 'yon imposible lalo na't si Mama ay gustong-gusto na rin akong makita. Miss na miss ko na siya at ilang taon na rin kaming hindi nagkita-kita.
At first when I entered that academy, I felt so blue knowing my parents and my sister aren't there to support me and to guide me. Only the professors, the dean, the owner of the premises and those students like me are the only beings that I can ask for something I don't know or for something that I am not aware of. Fortunately, I surpassed all the challenges because of the knowledge that I already learned. I am a poor wizard so I know how to survive trainings as well, and not for boasting, I'm one of those students with highest IQ.
"Nandiyan na si Ama, Mama!" Tila parang hinaplos ang puso ko nang marinig ang pamilyar na boses ng kapatid ko na pati si Ama ay napangiti rin. Bigla akong nakaramdam ng galak dahil miss na miss ko na rin ang kapatid kong 'yon na kahit maldita, mahal na mahal ko pa rin at marunong makisama.
If I'll compare my sister to Princess Dufemia, no one can ever beat how brat my sister is but the difference between them, my sister knew how to respect elders and other wizards with or without title... unlike the only princess of the Teodorica.
Miss na miss ko ang mga gano'n ng kapatid ko kapag umuuwi na kami ni Ama galing sa pangangaso. Boses niya agad ang maririnig kapag nakikita niya na kami ni Ama na paparating.
"May kasama si Ama, Mama! Isang lalaki!" Napailing na lang ako dahil mukhang hindi agad ako nakilala ng kapatid ko. Napatingin ako kay Ama nang tumakbo siya papunta sa kapatid ko at hinabol ito.
"Ano ba 'yan, Adler! Huwag na huwag mong hinahabol ng ganiyan ang anak mo! Baka magalusan ang mga tuhod kapag nadapa! Alam mo naman na ayaw kong nasusugatan 'yan!" Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Mama at halos uminit ang gilid ng mga mata ko nang makitang lumabas ito ng bahay. Napangiti ako ng matamis dahil sa pagsisita niya kay Ama na ngayo'y nakatingin na sa gawi ko at tinuturo ang direksiyon ko.
Hinay-hinay na lumingon sa akin si Mama at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Napatakip pa ito sa kaniyang bibig na siyang dahilan kung bakit ako napahikbi at hindi na napigilan ang pagluha ng mga mata ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad ko tinakbo ang distansiya naming dalawa hanggang sa maabot na ng mga bisig ko ang kabuuan niya.
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...