Chapter 38

41 8 7
                                    

Adrahasis


"C-Cyle, ano 'tong naririnig ko? Cyle! What is happening here? What are they talking about?" Malakas na sigaw ni Professor Rica at inis akong tinignan sa mga mata. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na siyang lumapit sa akin at sinampal ako ng napakalakas. Rinig sa buong silid ang lutong ng pagkakasampal na 'yon na siyang dahilan kung bakit natahimik ang lahat... habang unti-unting namamanhid ang pisngi ko.

Parang sinuntok ang puso ko dahil sa ginawa ni Professor Rica dahil sa kauna-unahang beses, ngayon ko lang 'yon naranasan sa kaniya... ang pagbuhatan ng kamay, ang masampal at ang matitigan ng ganoong klaseng tingin, na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa nangyayari ngayon.

"The fuck! Don't you dare lay your hands on his face!" Malakas na sigaw na 'yon ni Critticcuss at kasabay no'n ay ang pag-uyog ng buong lupa dahil sa galit niya. Rinig ko ang sigawan ng mga estudyante sa loob habang takot na takot, ang iba sa kanila ay hindi makagalaw dahil sa sobrang kaba.

"Kalokohan! Ano 'to, Adrahasis? Ano 'tong ginagawa mo at bakit sinisisi mo ang Kuya Cyle mo? Bakit? Anong nagawa niya sa'yo at bakit ganito na lan——"

"Shut the fuck up, Professor Rica! You don't know how cruel and useless that man is! Not just to that student, but also to you!" Sigaw na naman ni Critticcuss kaya agad ko siyang tinignan. Pipigilan ko na sana siya pero natigilan ako dahil sa galit na galit na nitong mga mata. Umiigting ang kaniyang mga panga at naninigas ang kaniyang mga kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman nito.

Seconds after, the ground already calmed.

"Critticcuss," I called him but he didn't bother to stare at me because of his rage towards Professor Rica. "Hayaan mo na, naiintindihan ko siya." Halos bulong ko na lang sa ere.

"Adrahasis! Magpaliwanag ka sa mga kalokohan na 'to! Bakit tinuturo niyo si Cyle na wala namang ginawa? Ano? Kinokontrol ka ba niya ah? Is he trying to manipulate your feelings? Is he finally controlled your emotions?" Sunod-sunod na tanong ni Professor Rica pero hindi ako nagsalita dahil sa hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba siya.

I just suddenly felt tired. Weak and drained.

"Professor Cyle, bakit hindi mo na lang ipaliwanag sa kasintahan mo ang kababuyan na ginawa mo? Ang pagpatay mo sa batang 'yon?" I know that Critticcuss is trying to help and what he did is too much. He already helped me a lot and I don't know how to repay him.

Nangyari ang mga bagay na 'to dahil sa akin. Kung sana hindi ako pumasok sa room na 'yon, kung sana hindi ako pumayag maging substitute teacher... hindi mangyayari ang lahat ng mga 'to.

"Master! W-Wala siyang ginawa! Bakit ba siya ang sinisisi ninyo? Kilala ko siya! Hindi niya magagawa ang mga pinagbibintang niyo! Adrahasis, ano ba? Pagsabihan mo 'to!" Rinig ko na namang sigaw ni Professor Rica at ramdam ko na ang panginginig ng boses niya. Sa boses niya ngayon, alam kong nasasaktan na siya. At habang nasasaktan siya, nasasaktan rin ako.

"The fuck! Just confess your sins and then all things will be settled, Professor Cyle! Shit! Fucker! Fine if you won't, then I will! Starting from you," turo ni Critticcuss sa direksiyon ni Rellion na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. "That student became depressed because you cheated on her, you cheated with her doormate... with her damn bestfriend! But she still forgave you and continue loving you!" Napasinghap ang lahat ng mga kaklase nila dahil sa ibinulgar ni Critticcuss.

The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]Where stories live. Discover now