Chapter 12

51 7 1
                                    

Adrahasis


Nanaas ang balahibo ko ngayon habang nakaharap sa daan papunta sa misteryosong pinto na 'yon sa gitna ng kagubatan. Kung papasukin ko ang daan, malamang na malamang ay mararamdaman ko na naman ang mabigat na pakiramdam at tahimik na lugar. Walang hangin at ni kahit tunog mula sa insekto ay wala talaga akong maririnig. At kung naaalala ko ng maigi, isang nakakatakot na ungol ng isang halimaw ang narinig ko sa lugar na 'yon.

"I can't risk my life, I-I m not yet ready." I whispered to myself while observing the whole way. From where I am standing, I can see the darkness lurking around the forest, a thing that I didn't notice when I first enter the place. But now that I am aware, I know that, that place is no longer safe for me.

Natigilan ako nang may narinig akong mga nag-uusap kaya agad akong nagtago sa isa sa mga puno malapit sa daan. Tahimik akong nagtago at dinamdam ang presensiya ng mga paparating hanggang sa palakas na palakas na ang kani-kanilang boses.

"Naramdaman na naman daw ng kapitan ang kakaibang enerhiya, mabigat daw at hindi pangkaraniwan." Nanliit ang mga mata ko nang marinig 'yon mula sa isa sa dalawang kawal. Mga batang kawal.

"Nanghihingi daw ng tulong, 'yon ang narinig ko rin." Segunda pa ng isa na siyang ipinagtaka ko.

Hindi lang ako ang nakarinig ng tulong na 'yon? At hindi rin ako ang nakaramdam ng kakaibang enerhiya na 'yon?

"Hindi ko naman naramdaman ang sinasabing mabigat na enerhiya na 'yon, baka guni-guni lang ng kapitan." Sabi ulit ng nauna kong narinig pero humagikhik lang ang kasamahan nito na para bang isang biro lang ang mga narinig nila.

No it wasn't just a hallucination. It wasn't a joke!

"Sinasabi mo bang nababaliw na ang kapitan natin? Baka nakakalimutan mo, malakas 'yon kagaya ng pinakamatandang prinsipe rito sa isla. Pinakabatang kawal at ang malala, isa pang kapitan."

This captain of the knights is something that I have to investigate. If he is not just a knight, then he must be something more powerful. He can even sense what I am sensing! And he can hear those helps from the unknown and unfamiliar voice! It was not just me!

Pahina na ng pahina ang boses ng mga kawal na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Unti-unti na rin akong umalis sa pagkakatago ko at tinignan ang paligid. Mukhang wala ng mga kawal at nasa kani-kanila ng mga puwesto.

"Kapitan... hmmm, sino ka?" I asked myself. The sun is smiling at me where its light caressing my skin while the trees are like entertaining me, swaying their branches because of the cold wind. Some of the leaves are beautifully falling on the ground while the birds' tweets are like melodies in my ears.

A scenery that beyond beauty.

Walang nabanggit sa akin si Ama na may kapitan sila na may kakaibang lakas at mahika... at mas bata pa sa kanila. Nasisiguro ako na ang kapitan na ito ay may kakayahan na hindi mapapantayan ng kung sino man... lalo na't nakukumpara ang lakas niya sa lakas ni Prinsipe Demetrio. Kung tama ang hinala ko, malakas siya at may ibubuga.

"Mag-iingat kayo, Adrahasis, Demetrio. Mag-iingat kayo doon." Iniyuko ko ang ulo ko nang sabihin ng hari 'yon sa amin habang katabi niya ang reyna. Pagtayo ko ulit ng maayos ay doon ko na naramdaman ang kaunting bigat sa likuran ko dahil sa bitbit kong malaking adventure bag.

"Maraming salamat po, mahal na hari. Gagawin ko po ang lahat para matulungan ang prinsipe." Magalang kong sambit na siyang ikinatango nito, ngumiti rin ako sa reyna na ngayo'y kumikislap ang mga mata habang papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ng kanilang anak.

The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]Where stories live. Discover now