Adrahasis
"Ito nga pala si Aphelia, siya ang tinutukoy kong kapatid ko, Prinsipe Demetrio." Pagpapakilala ko sa kambal ko. Agad namang iniyuko ni Aphelia ang kaniyang ulo para magbigay respeto na may halong pagkasopistikada. Alam na alam niya talaga kung paano gumalaw kapag may mga katulad ni Demetrio.
"Ikinagagalak ko kayong makilala at makita sa malapitan, Prinsipe Demetrio. Isang karangalan para sa amin ang mabisita ng isang prinsipe." She respectfully said. Seconds after, she raised her head and then smile so sweet. I narrowed my eyes when I saw how her eyes sparkled like she just saw a treasure.
Prince Demetrio combed his red hair using his right hand and then smiled a bit to my sister. He is standing so firm, his broad shoulders are the evidence that he is working out and those muscles are proofs that he is appealing.
"Ikinagagalak ko ring makilala sa wakas ang kapatid ni Adrahasis. He talked a lot about you." Natigilan ako dahil sa narinig ko mula sa prinsipe. Ngayon ko na lang rin kasi siyang narinig magsalita ng unang lengguwahe, huling rinig ko pa ay no'ng unang araw ko sa kastilyo. At teka, kailan pa ako nagkuwento tungkol kay Aphelia sa kaniya?
"Nako! Nakakahiya naman, mahal na prinsipe, baka ano ang mga pinagsasabi ni Kuya sa inyo." Nanliit ang mga mata ko dahil sa kinikilos ni Aphelia na pati ang boses niya ay parang sinasadiya niyang ipitin! Aksidente akong napatingin kay Sophus at tulad ng ekspresiyon ko, gano'n din ang kaniya't nanliliit ang mga matang nakatingin sa kambal ko.
Hmm, nagseselos ang mokong kahit wala namang karapatan.
"And you already met this guy, Sophus." Pagpapakilala ko rin kay Sophus na binigyan lang siya ng diretsong tingin. Hindi ko alam kung blangkong klaseng tingin 'yon o ano pero wala na akong pakialam.
"He's still here?" Prince Demetrio confusingly asked that made me sighed.
"Kahit ako, hindi ko alam kung bakit nandito pa 'yan. Binubugaw ko na nga pero parang walang balak umalis." Inis kong sambit pero hindi nagbago ang ekspresiyon ng mokong at mas lalo atang tumaas ang lebel ng pagseselos niya sa prinsipe. Pa'no ba naman kasi, eh itong kapatid ko ay panay pa-cute sa harapan ni Demetrio.
"Aphelia, kumuha ka ng malamig na tubig para sa prinsipe. Linisin mo na rin 'yang mga pinamili mo't bigyan mo ng prutas si Prinsipe Demetrio." Agad napatingin sa akin ang kambal ko at parang hindi makapaniwala sa narinig niyang utos ko. Tinaasan ko siya ng kilay na siyang ikinabagsak ng mga balikat niya, huminga siya ng malalim at tumango.
"Psh, okay Kuya." Lungkot-lungkutan niyang sagot sa akin at nang mapansing napatingin na naman siya sa gawi ng prinsipe, bigla na lang muli nagbago ang ekspresiyon niya. Nakangiti ng malapad na parang baliw na siyang ikinailing ko na lang.
"Sige na Aphelia!" Diing utos ko, inis niya naman akong binalingan ng tingin hanggang sa tumalikod na 'to sa'min. Tumingin naman ako kay Sophus na nakatitig pa rin sa prinsipe, nang maramdaman niyang nakatingin rin ako sa kaniya ay napatingin siya sa'kin. "Help my sister in the kitchen, she's clumsy, you already know that." Tumango siya sa sinabi ko at agad tumakbo ng mabilis papunta sa kusina.
Pasalamat ang mokong na 'yon na may kaunting bait pang natitira sa katawan ko.
"Prinsipe Demetrio," I called his name. I noticed that he is observing the whole house, I know that this is just a small and simple house but I can assure him that we're clean here. He doesn't need to worry about that. "Umupo ka muna dito, baka pagod ka sa kakahanap sa akin na hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit mo 'ko pinapahanap." Sambit ko at hila sa kamay niya, pinaupo ko siya sa sofa.
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...