Chapter 14

61 9 2
                                    

Adrahasis





"Kaklase niya ako, sabay kaming nakapagtapos sa akademyang pinasukan namin." Sagot ng lalaki nang tanungin ko siya kung bakit niya kilala ang kapatid ko. Sinuri ko ng mabuti ang kabuuan niya at mapapansin kong hindi talaga siya mukhang bandido! Mukha siyang anak mayaman o anak ng mga may dugong bughaw!

Napatingin ako sa paligid at nakitang wala akong marinig na kahit na anong ingay. Nanliit ang mga mata ko nang mapansing wala na ang mga presensiya na nararamdaman ko galing sa iba pa niyang mga kasamahan.

"Nasa'n ang mga kasamahan mo?" Taka kong tanong tila pilit hinahanap ang kani-kanilang mga anino.

"Ako lang mag-isa rito, mahika ko ang naramdaman niyo kanina." Natigilan ako dahil sa sinagot niya habang diretso lang ang tingin niya sa amin. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya, na para bang binabasa niya rin ang ekspresiyon naming dalawa ng kasama ko. Pero alam kong hinding-hindi niya ako mababasa, lalo na 'tong kasama ko na parang ayaw na ata magbago ang mukha na kasing lamig pa ng hanging nararamdaman ko ngayon.

"Ilusyon ang mga 'yon?" Takang turan ko pero umiling lang siya. Huminga lang siya ng malalim at tumingin rin sa paligid.

If he is one of my sister's colleagues, then he must be powerful too just like the others from that academy.

Queenster Academy, ruled by a powerful and mysterious headmistress, sister of our powerful and arrogant headmaster. Our academies are just connected, they are related. They teach magic enhancements, knowledge from histories, discovery of new skills and abilities and many more... that only few can learn and can enroll, if you are not strong enough, you won't have any chance to step in those premises.

They are rude, evil and strict.

"Mga sanga lang 'yon ng mga kahoy galing sa mga puno na nakikita mo, at kaya kong lagyan sila ng mga presensiya. 'Yon ang pantakot ko sa mga dumadaan na mga bandido, na gustong angkinin ang natitirang kayamanan ng lugar na 'to." Sagot niya na siyang ikinamangha ko ng kaunti. Magagamit niya talaga ang kapangyarihan niya kung nasa panganib siya.

"What are you doing here, then? You graduated in an academy, but here you are, playing as one of the damn bandits." Rinig ko mula kay Prinsipe Demetrio na mukhang hindi na ata mapigilan ng sariling hindi magsalita.

"I am not playing, I was abducted, that explains why I'm here, your majesty." Nagulat ako hindi dahil sa marunong siya magsalita ng ibang lengguhawe! Nagulat ako dahil sa kung paano niya tinawag ang katabi ko! "The eldest prince of the Teodorica Kingdom, the next heir of the island and the next royal blooded that will inherit the crown." Dagdag pa nito na siyang dahilan kung bakit ako mas lalong natuod sa kinakatayuan ko. Para akong nalagutan ng hininga sa mga sinasabi niya na para bang memorize niya ang mga bagay-bagay tungkol sa prinsipe!

Napalingon ako sa prinsipe at nakitang parang wala naman siyang pakialam habang ako rito, hindi makapaniwalang may nalalaman ang lalaking estranghero tungkol sa lalaking kasama ko! Sino ba talaga ang lalaking 'to?

"Interesting, you know a lot about me." I heard from the prince, using his coldest and most deadly voice! His voice is like threatening the other guy while his signature posture is still visible! He is like a predator that is ready to attack, a lion that is ready to bite and a raven that is ready to use its sharp claws.

"Marami akong alam, buhay ng mga prinsipe at prinsesa, hari at reyna na hindi lang sa iisang isla. Lahat kilala ko, kilala namin ni Aphelia." Sagot pa niya na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Mukhang mas marami ngang alam ang lalaking 'to sa mga bagay-bagay, mga malalaking wizards at tila alam niya rin ang bawat isla. At mukhang malapit talaga sila sa isa't isa ng kapatid ko. "Nakakalungkot nga na ang inyong isla ay nasa pinakamababang ranggo, wala ba kayong gagawin para umangat 'yon? Alam niyo ang magiging kinabukasan ng isang isla kung patuloy silang nasa ilalim." Dagdag pa niya na siyang nagpatigil sa akin.

The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]Where stories live. Discover now