Sophus
"Hindi ko alam kung saan natin puwedeng hanapin si Kuya pero malakas ang loob ko, na nakabalik na siya sa akademya. Malakas na malakas ang loob ko na nando'n siya pero ang nakakapagtaka lang, bakit hindi man lang siya nagpaalam sa amin?" Takang turan ni Aphelia na siyang ipinagtaka ko rin. Sa pagkakaalam ko, hindi gano'ng klaseng lalaki 'yon na bigla-bigla na lang mawawala na walang paalam... lalo na sa pamilya niya.
Sa pagkakakilala ko sa kaniya at base sa mga kuwento ni Aphelia, hindi ganoon si Adrahasis.
Isang linggo ng hindi nagpapakita si Adrahasis at isang linggo na rin kaming kinukuwestiyon ang mga sarili namin kung nasa'n nga ba talaga siya ngayon. Wala naman sana akong pakialam na dahil si Aphelia lang naman ang pinunta ko rito pero habang tumatagal, pati ako ay namomroblema na rin!
Pumunta kami ng kastilyo ni Aphelia no'ng nakaraan at agad kaming sinalubong ng pinakabunso nilang prinsipe. Tinanong namin kung pwede ba naming makausap si Adrahasis lalo na't nalaman naming sinugod ang kastilyo ng mga dark wizards. Pero nagulat kami dahil sinabi niyang isang linggo na raw itong wala at umuwi na muna daw sa kanila para magpahinga.
"Hindi ba delikado sa akademyang 'yon, Aphelia? Marami akong narinig tungkol sa lugar na 'yon." Nag-aalala kong sabi sa kaniya na siyang ikinahinga niya ng malalim.
Naaawa na rin ako kay Aphelia dahil sa isang linggo na rin siyang nag-aalala sa kakambal niya. Hindi ko na nga rin mabiro dahil palaging mainit ang ulo. At tiyaka, palagi na rin siyang hindi mapakali.
"Kung ako ang tatanungin, mas delikado ang akademya natin... pero ang pinagkaiba lang, hindi demonyo ang may-ari ng akademya. Hindi katulad ng headmaster nila Kuya." She immediately responded that made me nodded. Well, she's damn right about the headmaster of that academy. I heard that he's into killing rule-breaker students, violators and even professors who doesn't follow his commands.
Our academy wasn't like that but the training we had, the obstacles we are facing everyday, the challenges and missions we've been through are breathtaking... we almost met the fucking death! We are always having a war with those bandits, some rebellions and we even fought silver wizards!
Sa mundong 'to, ang mga katulad naming wizards ay may tinitingala... isa na 'ron ang apat na malalakas na klaseng wizard na mas malakas sa ordinaryo... ang silver wizard, black wizard, white wizard and the extraterrestrial wizard. Mga wizard na malalakas, hindi madaling talunin, mga hindi ordinaryo at mga magagaling sa pakikipaglaban. Lahat sila ay hindi madaling abutin lalo na't ang mahika na meron sila ay puwedeng pinag-aralan at pinaghirapan ng mabuti o natural na 'yon sa kanila at minana... nasa dugo na kumbaga.
And having Aphelia here is a blessing in disguise knowing that she's strong, well I still don't know her full potential but I know she's just like her brother. They are gifted and both black wizards, at sila ang klase na mga wizard na kailangang itago ang mahika lalo na't konektado ang mahika nila sa kamatayan.
Black wizards can be also called... death.
Napaigtad ako dahil sa narinig na malakas na pagkatok sa pintuan mula sa labas. Nagkatinginan pa kami ni Aphelia dahil wala naman kaming inaasahan na bibisita. At tiyaka si Tita ay nagtatrabaho sa lungsod, gano'n rin si Tito doon sa kastilyo.
At hanggang ngayon ay wala silang alam na nawawala si Adrahasis.
"Ako na ang magbubukas." I volunteered, Aphelia sighed deeply and nodded. I immediately stood up and went to the door, and when I opened it, a fucker showed up... I mean the eldest prince of the Teodorica showed up.
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...