Adrahasis
Hindi ako mapakali habang nagluluto sa kusina dahil sa lalaking nakaupo sa counter habang minamatiyag ako. Kanina ko pang nararamdaman na kahit nakatalikod ako, alam kong nakatingin siya sa'kin. Nahihiya naman akong tanungin siya kung bakit siya nandito dahil alam ko na kung anong isasagot niya. Sa huli, ako pa rin ang mapapahiya... ako pa rin ang malalagay sa kahihiyan.
Of course, kusina nila 'to kaya may karapatan siyang pumunta rito at panuorin ang katulong nila sa pagluluto. Baka kasi akalain niya na naman na may lason ang pagkain nila!
"Kuya Demetrio! Bakit ka nandito?" Agad akong napahinga ng malalim nang marinig ang boses na 'yon ni Prinsipe Demetrius. Halos gusto ko siyang pasalamatan na nandito siya dahil sa hiyang-hiya na talaga ako at hindi maka-focus sa pagluluto!
"I should ask that question to you, Demetrius. Why you're here? Are you done with your tutor?" I heard from him that made me frowned. I can sense that he really want his brother gone because he just want to guard me alone! He's scared that his brother will know about his agenda why he's here watching me all the time.
"Tapos na ako Kuya tiyaka nandito ako para panuorin si Adra sa pagluluto ng tanghalian." Agad kong naramdaman ang mga yapak ng kung sino hanggang sa masilayan ng gilid ng mga mata ko na nasa tabi ko na si Demetrius. "Anong niluluto mo ngayon, Adra?" Napangiti na lang ako at lumingon sa kaniya at kunyaring nagulat.
"Oy, ikaw pala Prinsipe Demetrius? Anong ginagawa niyo rito?" Galak kong tanong at sana naman ay hindi niya mahalata na nagpapanggap lang ako para makatakas sa pagkaka-awkward kasama si Demetrio.
Simula kasi no'ng nagising ako kanina sa kwarto niya, hindi na ako mapakali at laging iniisip kung totoo nga bang nahimatay ako. Nagtataka pa rin kasi ako hanggang ngayon kung paano 'yon nangyari eh alam ko namang malakas ang katawan at resistensiya ko.
Demetrius waved his hand to me that made me chuckled and shook my head. He is smiling so sweet that made me smiled at him too.
Nakakahawa talaga kasi ang mga ngiti niya lalo na't parang nagniningning ang pula niyang mga mata habang nakatingin sa'kin. Hayst, noon ko pa talaga pinangarap na magkaroon ng kapatid na lalaki pero sa kasamaang palad, malditang babaeng kapatid ang binigay sa akin.
"Nagluluto ako ngayon ng Kare-Kare, hindi mo pa 'to natitikman kaya alam kong magugustuhan niyo 'to." Ngiti kong sambit pero natigilan na lang ako nang may maramdaman pa akong ibang presensiya sa kabilang gilid ko. Napalunok ako ng malalim dahil alam kong si Demetrio ang nasa gilid ko ngayon!
"Really? Should I taste it first?" Fuck! Ito na naman siya! "I'm here first but you didn't even throw a glimpse on me nor talked to me, Adrahasis." Para akong nasisikipan sa sitwasiyon namin ngayong tatlo! Itong si Demetrius naman ay nakangiti lang habang pinapanuod ako, mukhang hindi niya naman naririnig ang mga pinagsasabi ng mokong niyang Kuya! "Pero nang dumating si Demetrius, siya ang pinansin mo? Are you even being fair here, Adrahasis?"
Napapikit na lang ako at agad pinatay ang kalan dahil sa sobrang kaba.
"Ang bango, Adra!" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Habang tuwang-tuwa si Demetrius sa ginagawa ko, may isa naman dito na ang lamig-lamig ng boses habang kinakausap ako! Na para bang pinagbabantaan niya ako sa boses niya!
"S-Sige, pumunta na kayo sa hapag-kainan at nang maihatid ko na 'to sa inyo." Hilaw kong ngiting sambit pero nakatingin ako kay Demetrius na agad rin namang tumango sa sinabi ko. Kinabahan pa ako ng saglit nang tumingin siya sa likurang banda ko kaya alam kong nasa likod ko lang rin ang imahe ni Demetrio!
YOU ARE READING
The Last Maidservant of the Weakest Kingdom |Multiworld's Secret| [BL]
Fantasy"Even if I fucking die here, there are still lot of versions of me in other worlds that will hunt you!" **** He is Adrahasis, the lone and last aide to enter the castle of Teodorica, an island considered the weakest of all the islands. A kingdom th...